Connect with us

Entertainment

Silipin ang Naipundar na Napakagandang Condo Unit ni Alex Gonzaga na Kanyang Ipinarenovate Para Parentahan

Ang sikat na aktres na si Alex Gonzaga ay matagal na ring nasa industriya ng showbiz at pinapatunayan ang husay sa pag-arte, pati na rin sa pagiging TV host. Maliban nga rito, ay nakilala rin si Alex bilang isang mahusay na vlogger kung saan nga ay nagbibigay kasiyahan sa kanyang mga followers sa kanyang YouTube channel.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube Channel

Dahil nga dito, ay hindi na nakapagtataka kung makapagpundar si Alex ng mga properties na bunga ng kanyang pagsisikap. At ngayon nga, ay isa sa magandang investment na talagang pinagbubuhusan ng oras ni Alex ay ang kanyang naipundar na napakagandang condo unit na plano niyang parentahan.

At sa latest vlog ni Alex, ay masaya niyang ipinasilip sa mga netizens ang pagbisita sa kanyang condo at ipinakita rin ang pag-aayos nito bilang paghahanda para paupahan. Ang napakagandang condo unit na ito ni Alex ay may sukat na 119 sqm at matatagpuan sa Pasig City. Para naman ipakita ang pagbabago sa ginawa niyang renovation, ay ipinasilip na rin ni Alex ang before and after look ng kanyang unit.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube Channel

“Well netizens, alam niyo naman dahil kahit papano medyo matagal tagal na rin akong nag-aartista at nagba-vlog, so may mga naipundar tayo.”

Ang bunga ng kasipagan ni Alex sa pag-aartusta at vlogger ay 2 bedrooms condo unit, na kanyang paparentahan para may dagdag kita. Biro pa ni Alex, ay kailangan umano ng budget para pampagawa ng bahay nila ng kanyang asawang si Mikee Morada.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube Channel

“Sabi kasi ng aking broker na sana raw mapaayos ko ‘to, fully furnished. Para if ever mang may rerenta, papasok na lang siya.”

At para maging maganda nga ang condo ni Alex para parentahan, ay nagpasya ang aktres na ipa-fully furnished ito. Naisipan na rin ni Alex na bumili ng mga furniture para may magamit sa kanyang condo.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube Channel

“Lalagyan ko na lang ng mga furniture, gaganda rin ito.”

“Kailangan ko nang mapuno ‘yung condo na ito para maparentahan ko na siya.”

Kaya naman, agad na nagtungo si Alex sa isang furniture shop para bilhin ang kailangan at nababagay na furniture para sa kanyang condo. Makikita naman na talagang pinili ni Alex ang magandang furniture na babagay at kakasya sa kanyang condo.

Credit: Alex Gonzaga | Youtube Channel

Samantala, matapos naman makapamili ng mga furniture at maisaayos ang lahat kung saan nga ay makikitang napakaganda na ng kanyang condo, ay inimbitahan niya ang kanyang inang si Mommy Pinty at Uncle Jojo upang ipakita ang kinalabasan ng kanyang ginawang renovation. Biro naman ni Alex sa kanyang Mommy Pinty at Uncle Jojo, ay sila ang ililipat sa kanyang condo.

“Ililipat ko na sila dito, sila ang lilipat sa condo hindi ako.”

error: Content is protected !!