Connect with us

Entertainment

Silipin ang Naging Masayang Pagdiriwang ni Alex Gonzaga at Pamilya ng Kaarawan ng Kanyang Daddy Bonoy sa Baguio

Ang aktres, TV host at isa na ring sikat na vlogger ngayon na si Alex Gonzaga ay talaga namang kinagigiliwan ng kanyang mga tagahanga. Apat na taon nang naghahatid ng saya sa kanyang mga tagahanga si Alex sa kanyang 12.3 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Iba’t ibang klase nga ng pakulo ang hatid ni Alex sa kanya mga subscribers, bukod sa pranks, bakasyon, ay ibinahagi rin ni Alex ang masasayang kaganapan sa kanyang buhay, at sa buhay rin ng kanyang pamilya. Mula nga sa pagdiriwang ng pasko, bagong taon at iba pang mahahalagang okasyon ay ipinapasilip rin ni Alex sa kanyang mga vlog ang pagdiriwang ng birthday ng bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Nito lamang ika-20 ng Pebrero ay masayang ibinahagi ni Alex sa kanyang Youtube channel ang isang vlog na naglalaman ng masayang pagdiriwang ng birthday ng kanyang ama na si Daddy Bonoy. Ayon nga kay Alex, ay talagang paboritong lugar ng kanyang Daddy Bonoy ang Baguio na kahit ilang beses na silang nakapunta dito ay hindi ito nagsasawa. Kaya naman para sa pagdiriwang ng kaarawan nito ay nagpasya silang pumunta sa Baguio.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Makikita sa ibinahaging video ni Alex na tumuloy sila sa isang transient house kung saan nga nila ipinagdiwang nila ang birthday ni Daddy Bonoy. Ipinasilip ni Alex ang kanilang masayang bonding moments ng kanilang pamilya. Kompleto nga sa espesyal na pagdiriwang kanilang pamilya. Maliban nga kay Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay nakasama rin nina Alex ang kapatid na si Toni Gonzaga at asawa nitong si Paul Soriano at kanilang anak. Naroon rin siyempre ang asawa niyang si Mikee at kanyang tito.

Sa pagdiriwang nga ng kaarawan ni Daddy Bonoy ay mas pinili nilang mag-enjoy at magrelaks sa isang napakaganda at tahimik na lugar. Dito nga ay sinulit na nila ang oras para sila’y makipagbonding. Maliban nga sa kanilang masayang bonding moments at kwentuhan ay enjoy na enjoy rin ang pagkain ng masasarap na pagkain. Nag-enjoy rin sila sa ganda ng tanawing masisilayan mula sa kanilang tinuluyan, ang ganda ng tanawin na hatid ng kabundukan.

Nagkaroon naman sila ng isang masayang salo-salo para sa masayang pagdiriwang ni Daddy Bonoy kung saan nga sila ay nagpa-cater pa. Hindi naman maitago sa mukha ng bawat isa ang tuwa sa kanilang mukha nang matikman ang masarap na luto ng chef. At pinuri pa nga ito ni Alex na walang dudang nasarapan sa luto nito.

Umiral naman ang kakulitan ni Alex sa kanyang vlog kung saan nga ay nagsuot pa ng two piece bikini habang silang nagbabakasyon sa Baguio. At hindi naman maitatanggi na talagang muli na naman niyang napasaya ang kanyang mga tagahanga.

error: Content is protected !!