Connect with us

Entertainment

Silipin ang Naging Masayang Pagdiriwang ng mga Sikat na Celebrities na ito ng Kanilang New Year Kasama ang kanilang Pamilya

Talaga namang dama ang Holiday season sa ating bansa, lalo na ng ibahagi ng mga hinahangaan at iniidolo nating mga celebrity ang mga masasayang larawan nila kasama ang kanilang pamilya ng ipagdiwang nila ang pagsapit ng Baong Taong 2023.

Good vibes ang naging hatid ng maraming celebrity sa atin, lalo na ng ibahagi nila ang mga larawan nila ng kanilang pamilya sa pagdiriwang ng Holiday season.

Isa sa mga hinahangaan nating celebrity na nagbahagi ng masaya nilang family picture na kinunan noong New Year ay ang pamilya ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang kanilang dalawang anak na sina Letizia at Sixto, o mas kilala natin sa palayaw nilang sina Zia at Ziggy.

Kalakip ng family picture na ibinagi ni Dingdong ay ang caption na, “Cheers to better days ahead”. Masisilayan naman talaga sa kanilang larawan na ito ang isang masayang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Ang aktor na si Derek Ramsay din ay nagbahagi ng New Year photo nila ng kanyang misis na si Ellen Adarna kasama ang anak nitong si Elias Modesto. Matatandaan na ipinagdiwang nila ang Pasko sa bansang Paris, samantala sa bansang Sweden naman nila ipinagdiwang ang New Year kasama ang pamilya Adarna.

“Last Day of year with the entire fam #2022”, pagbabahagi ni Ellen sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Ibinahagi naman ng Mega Star na si Sharon Cuneta ang isang larawan nila ng kanyang pamilya habang nagdiriwang ng Bagong Taon. Kasama niya sa naturang larawan kung saan makikita silang may hawak na fireworks, ang mister niyang si Kiko Pangilinan at kanilang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

Saad naman ni Sharon sa larawan, “ Happy New Year from our family to yours! May God be the head of all our households this year and always. We love you!!!”.

 

Sa bansang Tasmania naman nagdiwang ng Bagong Taon ang aktres na si Anne Curtis kasama ang asawa niyang si Erwan Heussaff at anak nilang si Dahlia. Sa ibinahaging larawan ni Anne, ay masisilayan ang pagbabahagi niya ng larawan ng unang hiking nilang pamilya sa Cradle Mountain National Park.

“Shhh there’s a lil’ wombat sleeping Wrapping up 2022 surrounded by nature and love with a very, very grateful heart ”, caption niya.

Masaya ding ipinagdiwang ng mag-asawang vloggers na sina Kryzzie at Slater ang unang araw ng taong 2023 sa Pagbabahagi ni Kryzzie,

“Happy New Year, everyone! Sorry no video today, decided to go on a break and miss an upload sched for the first time in foreeeever. Forgot how amazing it feels to be unplugged (and kinda got carried away lol).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kryz (@kryzzzie)

Dagdag pa niya, “Now refreshed, recharged and ready for the new year! Hope you all had a great time with your friends and family too! Let’s bring it, 2023!!!”

Maliban sa kanila ilan pa sa mga celebrity na nagbahagi ng masaya nilang family photo sa pagdiriwang ng Bagong Taon ay sina Karla Estrada, Sunshine Cruz, John Prats, Team Kramer, Carmina Villaruel, Melai Cantiveros, Dimples Romana at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CASSY LEGASPI (@cassy)

Tunay ngang walang hihigit pa sa say ana maipagdiwang ang Holiday season kasama ang ating buong pamilya.

error: Content is protected !!