Connect with us

Entertainment

Silipin ang Naging Masayang Bakasyon ni Robin at Mariel Padilla Kasama ang mga Anak sa Spain

Matapos ang nakakapagod na pangangampanya nina Mariel at Robin Padilla, binigyan naman nila ng panahon ang kanilang mga anak matapos nila itong dalhin sa Spain upang ipasyal sa ibat-ibang amusement park.

Matatandaan na pagkatapos bomoto noong eleksyon 2022, lumipad si Mariel kasama ang kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriela at ang mga lolo at lola nito, hindi nila nakasabay si Robin pero agad naman itong sumunod sakanila. Sa post ni Mariel ibinahagi nito ang kanilang mga larawan sa eroplano na may caption na,

“Right after voting we got on a plane and We survived a 20hr trip with 2 senior citizens and 2 kids hahaha the last photo is my reaction when i found out Robin is #1!!!!!”

Ito diumano ang kaunaunahang bakasyon ng pamilya sa labas ng bansa simula ng magkaroon ng pandemya. Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Mariel ang masasayang bonding momments ng kanilang pamilya lalo na ng makasama na nila si Robin kung saan nag post si Mariel ng kanilang Family Pictures na may caption na,

“Hola we are complete”

Isa pa sa mga ibinahagi ni Mariel ay ang mga masasayang larawan nila ng bumisita sila sa napakagandang lugar ng Alhambra kung saan may kalakip na caption na,

“Memories of The Alhambra”

Ibinahagi naman ni Mariel sa mga sumunod na larawang ito na sobrang nagustohan niya ang Spain dahil sa mga masasarap na pagkain dito at nagagandahang playgrounds kung saan masayang nakakapaglaro ang kanyang dalawang anak.

“I love spain because of it’s food and playgrounds “

Kapansin pansin naman ang mga nag-gagandahang OOTD, ng celebrity mom / online seller na si Mariel Rodriguez Padilla na kanyang ibinahagi sa social media kung saan umani ng paghanga galing sa kanyang mga followers.

Sa isang post naman ni Mariel ibinahagi niya ang Theme Park Day nila kung saan buong araw silang namasyal at enenjoy ang mga rides sa nasabing park, ibinida naman ng Celebrity mom na sobrang tapang ng kanyang mga anak dahil hindi ito natakot sumakay ng roller coasters.

“Theme park day!!! My kids are so brave. They loooooove the rollercoaster 🎢 when i make my kids pasyal, let them experience new things… feeling ko I’m a good mother hehe” caption ni Mariel sa kanyang post.

Sa isang post ibinahagi ni Mariel ang kanilang pamamasyal sa Madrid, kung saan hindi muna sila namasyal sa mga Museum at babalik nalang sila dito kapag mejo lumaki na ang kanilang mga anak, samantala namasyal naman sila sa zoo, sa palengke at mga playgrounds sa nasabing lugar.

“Exploring Madrid. saving the museum trips for when they are a little older. We went to the zoo, market and playgrounds. Experience truly is the best teacher.”

Makikita din ang larawan ni Mariel kasama ang kanyang dalawang anak at ang lolo nito sa bantayog na monumento ni Rizal sa Spain, inalala din ni Mariel na ilang taon na din ang nakalipas ng dalhin siya dito ng kanyang asawang si Robin Padilla.

Years ago Robin took me here in Jose Rizal’s monument in Spain, today i brought my kids and grandparents (lola not in picture naghintay sa car ayaw mainitan.”

Sa isang post naman ni Mariel ng kanyang anak na si Isabella habang nakatayo sa harap ng isang simbahan ipinaliwanag nito na kinuha nila ang pangalang Isabella kay Queen Isabella of Castile, ang nasabing simbahan sa larawan ng anak na si Isabella ay kung saan kinoronahan si Queen Isabella of Castile.

“We named Isabella after Queen Isabella of Castile, behind is the church where she was crowned Queen.  thank you so much Tita @smalllaude for recommending Segovia  we looooooove it here!!!!! Isabella said “i belong here!!!”

Naging masaya talaga ang bakasyon ng mga bata dahil ibat-ibang park ang kanilang pinuntahan sa Spain.

“My ulirang ina moment!!! This trip is for my kids so everyday we go from one theme park to another. I was not prepared for a water ride. Isabella badly wanted to ride this one… daig ko pa ang Aegis na basang basa sa ulan!!!! As in talagang shower na matindi… shampoo na lang ang kulang!!! Ofcourse i had extra clothes for Isabella from panty to socks complete because OA mom ako hahahha but for me… nothing!!! Kung si VP Leni nag plantcha para sa daughter niya… ako linaban ko sa basa ang chanel sneakers ko! Its a tie! 😂 hindi ko na siguro ma live selling ito kasi na haggard ng mabuti 😂 mabuhay lahat ng ulirang ina!!! 🥰p.s. i asked permission no no i begged the ride facilitator if i can leave my shoes… magkasakit na ako sa basa wag lang ang sapatos ko pero hindi pumayag. 😂 #GoodbyeChanelSneakers”

Hindi matumbasan ang sayang nararamdaman ng pamilya Padilla dahil matapos ang napaka busy na schedule ni Robin at Mariel dahil sa pangangampanya ay muli silang nagkasamasama upang magbonding.

error: Content is protected !!