Connect with us

Entertainment

Silipin ang Naging Bonggang Surprise Birthday Party ng mga Malalapit na Kaibigan ni Anrdrea Brillantes para sa Kanya

Ang young aktres na si Andrea Brillantes ay talaga namang minamahal ng marami. Patunay lamang nito nang ipagdiwang niya ang kanyang ika-18 taong kaarawan noong nakaraang buwan ng Marso, kung saan ay talagang nag-uumapaw na regalo at surpresa ang kanyang natanggap mula sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Hindi naman maikakaila na sa taglay na talento ni Andrea, at kahanga-hangang kagandahan ay talaga namang marami ang nagpapakita ng paghanga at pagmamahal. Idagdag pa nga rito ang kanyang pagiging masayahin at mabuting tao.

Isinilang si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas kilala ng lahat bilang si Andrea Brillantes noong Marso 12, 2003. At ang pagdating ni Andrea sa mundong ibabaw ay tila ipinagpapasalamat ng lahat dahil talagang ramdam na ramdam ng dalaga kung gaano siya kamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Photo credits: Gibsam Photo | Facebook

Matatandaan nga na maliban sa kanyang engrandeng pagdiriwang ng 18th birthday, ay nagkaroon rin siya ng kaliwa’t kanang photoshoot kung saan ay kanyang ipinamalas ang kanyang natatanging kagandahan na hinangaan ng publiko.

Minsan na ring nag-viral si Andrea matapos siyang ipagshopping ng kanyang kaibigan na si Miss Glenda bilang regalo sa kanyang birthday. At ito nga ay hindi birong shopping dahil umabot ng halos ilang daang libo ang nagastos ni Andrea para mabili ang mga bagay na nais niya.

Photo credits: Gibsam Photo | Facebook

Ngunit, tila hindi pa natatapos ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ni Andrea, at kahit nga ilang buwan na ang nakalipas ay patuloy paring nakakatanggap ng regalo at surpresa ang aktres.

At kamakailan lamang nga, ay muling umagaw ng atensiyon ng publiko si Andrea matapos mag-viral ang kanyang mga larawan. Ngunit, sa pagkakataong ito, ay isang bonggang surprise birthday party naman ang inihanda ng kanyang mga malalapit na kaibigan. Makikita sa mga larawan na naroon ang kapatid ni Ivana na si Mona, na isa nga sa malalapit na kaibigan ni Andrea.

Samantala, ang bonggang supresa para sa kaarawan ni Andrea na inihanda ng kanyang mga kaibigan ay naganap sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa Bataan. At makikita sa mga larawan na talagang plinanong mabuti ng kanyang mga kaibigan ang surpresa dahil sadyang napakaganda ng makikitang dekorasyon sa paligid.

Nang makita nga ni Andrea ang surpresa para sa kanya ay hindi nga halos makapaniwala ang aktres. At makikita nga sa magandang mukha ni Andrea ang labis na kaligayahan. Labis-labis nga ang pasasalamat ng aktres, matapos matanggap ang hindi inaasahang surpresa.

Photo credits: Gibsam Photo | Facebook

Makikita naman na sadyang napakaganda ni Andrea sa kanyang suot na red dress, na talagang nagpalutang sa kanyang angking ganda.

Tunay nga na napakapalad ni Andrea sa dami ng taong walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kanya. Hindi naman maikakaila na talagang deserve ni Andrea ang pagmamahal na kanyang natatanggap, lalo na nga’t isa rin siyang mabuting tao.

error: Content is protected !!