Silipin ang Nag-uumapaw sa Gandang Childhood Pictures ng mga Aktres na sina Kathryn, Liza at Nadine

Natural sa ating mga Pilipino ang magkaroon ng interes sa ating iniidolong artista kung ano ang hitsura nila noong sila’y bata pa. Ano nga ba ang kanilang hitsura? Cute naba talaga sila? Mataba naba o kaya naman ay payat na noong maliit pa lamang? Mga tanong na nasa isipan natin kung paano nga ba nagbago ang hitsura nila ng sila ay malaki na.



May mga artista na sadyang hinahangaan ng nakararami dahil sa taglay nilang magaganda at mala-anghel na mukha.

Lumikha ng ingay sa social media ang childhood photos ng mga Kapamilya aktres na ibinahagi ng isang instagram account na @kathlizdines, walang iba kundi sina Kathryn Bernardo,Liza Soberano at Nadine Lustre.

Ang kanilang mga larawan ay magiliw na hinangaan ng mga netizens at ng kanilang mga tagahanga dahil talaga namang napakaganda at cute nila kahit noong sila’y mga maliliit na bata pa lamang. Sina Kathryn, Liza at Nadine ay ipinakita ang kanilang sobrang cute at matatambok na pisngi ng sila’y bata pa.

Ayon sa nasabing viral post sa instagram na may caption na,

“These chubby cheeks cuties are now grown up to be a star not only in the family but also to us. Truely a queen”.



Marami ang namangha sa taglay na kagandahan nina Kathryn,Liza at Nadine sa kanilang childhood photos. Na talaga namang ang mga magaganda at maaamong mukha ng tatlong batang nasa larawan ay nakatakda nang maging parte sa industriya ng showbiz. Bata pa lamang sila ay taglay na nila ang angking ganda at personalidad na nakita kaagad sakanila.

Ngunit sino nga ba ang mag-aakala na ang tatlong batang nasa larawan na may maamo at matambok na pisngi ay hahangaan at magiging inspirasyon ng mga kabataan dahil sa taglay na kagandahan at katangian sa industriya ng showbiz.

Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo o mas kilala bilang Kathryn Bernardo ay isang 23 taong gulang na Pilipina aktres at nakilala sa pagganap sa teleseryeng Maria Clara. Siya rin ang tinaguriang isa sa mga Box Office Queen dahil na rin sa taglay niyang talento sa pag-arte.

Kumita ng halos 800 million pesos ang kanyang dalawang pelikula sa loob lamang ng dalawang magkasunod na taon. Ito ay ang “The How’s Of Us” kung saan katambalan nya ang kanyang real time boyfriend na si Daniel Padilla noong 2018. At ang “Hello,Love,Goodbye” naman na pinagtambalan nila ni Alden Richards na naging matagumpay rin nitong taong 2019.

Samantalang si Hope Elizabeth Soberano naman o mas kilala bilang Liza Soberano, ay isang 21 taong gulang na hinahangaang artista sa ating bansa. Bukod sa dugong Pilipino at may taglay din syang dugong banyaga na mas lalong nagbigay ng kagandahan sa kanyang aking katangian.



Isa rin syang modelo at nag-eendorso ng iba’t ibang produkto sa ating bansa. Siya rin ang katambal at kalove team ni Enrique Gil kaya naman mas kilala sila sa tawag na “LizQuen” sa mga proyektong kanilang pinagsamahan at patuloy na sinusubaybayan ng mga tagahanga.

Hindi naman magpapahuli sa taglay na kagandahan si Nadine Alexis Paguia Lustre o mas kilala bilang Nadine Lustre sa industriya ng showbiz. Siya ay 26 taong gulang na bukod sa pag-arte ay mahilig din sa musika kung saan kilala siya bilang isang mahusay na singer at dancer. Ang kanyang kalove team naman sa kanyang mga proyekto ay ang real time boyfriend na si James Reid na isa ring mahusay na aktor at singer.



Hindi maikakailang bukod sa kagandahang taglay nila ay may angking talento din ang bawat isa sakanila sa iba’t ibang larangan. Na mas lalo pang hinahangaan at ginagigiliwan ng mga tao higit ng henerasyon ng mga kabataan ngayon. Silang mga batang nasa larawan na umaapaw ang kagandahan ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi maging sa pagkakaroon ng mabuting kalooban.