Connect with us

Entertainment

Silipin ang “My Little Bukid” ni Judy Ann Santos sa kanilang Bakuran na Puno ng mga Sariwang Gulay

Published

on

Hindi pa nga natatapos ang ating pakikipagsapalaran sa krisis na dulot ng epedemya, kaya naman hanggang ngayon ay hinihikayat parin ang pagtatanim sa bakuran upang may mapagkunan ng mga gulay at iba pang uri ng pananim. Marami nga ang benepisyong hatid ng paghahalaman sa ating bakuran, bukod sa nakakadagdag ito ng sariwang hangin sa kalikasan, nakakatiyak rin tayo na sariwa at masustansya ang mga pananim na ating aanihin. Importanteng ang ating mga kinakain ay sariwa at masustansiya upang maging malakas at malusog ang ating pangangatawan.




Ngayong panahon nga ng pandemic, ay marami ang sumubok ng paghahalaman sa kanilang mga bakuran. Maging ang mga sikat na artista sa industriya ng showbiz ay nakahiligan at naging libangin rin ang pagtatanim sa kanilang bakuran.

Isa na nga rito ang aktres na si Judy Ann Santos na may munting garden sa kanilang bakuran na puno ng mga sariwang gulay. Ang pagtatanim nga sa kanyang tinawag na “My Liitle Bukid” ang pinagkaabalahan ng aktres habang sumasailalim sa lockdown. At ngayon nga, ay masaya niyang ibinahagi sa Instagram na nakapagharvest na sila ng ilang pananim.




“Nakapag harvest na kami!!! yayyy!! Hindi lang halata ang saya saking bilang malamok! Pero masayang masaya ako!! #mylittlebukid,” msayang caption sa post ng aktres sa Instagram.

Masayang-masaya nga ang aktres sa pagha-harvest ng mga gulay na siya mismo ang nagtanim. Ngunit, dahil umano sa malamok ay hindi ito mahahalata sa mukha niya.

Makikita naman sa video na ibinahagi ng aktres, ang isang pechay na napakalusog at talagang nga namang may malalapad na dahon, at kinumpara pa nga ni Juday ang laki ng dahon nito sa mukha niya. Tiyak na makakakain ng masustansiyang gulay ang pamilya ni Juday. Kasama rin sa na-harvest na ng aktres ay spinach na tiyak rin ang sustansiyang hatid.

Bagama’t maliit lamang ang “My Little Bukid” ni Juday sa kanilang bakuran, puno naman ito ng iba’t ibang uri ng sariwang gulay. Makikita rin naman sa aktres na talagang nai-enjoy niya ang pagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran.




Marami namang netizens ang humanga sa kasipagan ni Juday sa paghahalaman na tanging hangad ay makapag-ani ng mga masustansiyang gulay para sa kanyang pamilya. Isa kang tunay na mapagmahal at responsableng maybahay Juday. Good job Juday!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on

error: Content is protected !!