Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Throwback Pictures ng mga Female Celebrities na ito na Nag Uumapaw na ang Kagandahan Ngayon

Hindi natin maikakaila na karamihan sa atin ay talagang hinahangaan ang magaganda at maaamong mukha ng mga iniidolo nating artista sa showbiz. Ngunit, bago pa man nila ma-achieve ang kanilang mala-dyosang ganda, ay tulad rin sila ng ordinaryong tao na dumaan ng puberty. Ang kanilang kabataan kung saan masisilayan ang kanilang inosenteng mukha at pagbabago sa kanilang pisikal na kaanyuan. Ang taglay nga nilang kagandahan ang nagdala sa kanila sa tinatamasa nilang tagumpay ngayon.




Ating kilalanin at silipin ang mga naggagandahang aktres sa kanilang mga throwback photos kung saan makikita ang malaking pagbabago mula sa kanilang kabataan.

Maymay Entrata

Nasaksihan natin ang ganda ng aktres na si Maymay Entrata magmula ng maging housemate siya sa “Bahay ni Kuya”. At ngayon nga, ay isa na si Maymay sa mga aktres na hinahangaan ng lahat. Kapansin-pansin rin ang malaking pagbabago sa kanyang pisikal na kaanyuan. Ngayon nga, ay masisilayan na kay Maymay ang isang ganap na dalaga na taglay ang natural na kagandahan ng isang Pilipina.

Kathryn Bernardo

Kilalang-kilala nga ang aktres na si Kathryn Bernardo hindi lamang sa kanyang talento sa pag-arte kundi pati na rin ang kanyang kahanga-hangang kagandahan.

Liza Soberano

Ilang beses na rin tayong pinahanga ng kagandahan ng aktres na si Liza Soberano. Hindi nga nakakasawang pagmasdan ang kanyang mala-anghel na mukha. Isa nga si Liza sa mga magagandang mukha sa showbiz na pinapangarap magkaroon ng mga kababaihan.

Kim Chiu

Ang tinagurian namang Chinita Princess sa industriya ng showbiz na si Kim Chiu ay hindi rin magpapahuli sa pagkakaroon ng mala-dyosang mukha. Magmula nga ng una nating masilayan si Kim sa Bahay ni Kuya ay napakalaki na ng nabago sa kanya. Napakaganda na nga ngayon ni Kim, at hindi maikakaila na sumexy na rin ang aktres.




Angelica Panganiban

Hinahangaan rin ng publiko ang kagandahan na taglay ng aktres na si Angelica Panganiban. Ang kanya ngang maputi at mala-porselanang kutis ay sadyang kaakit-akit.

Bea Alonzo

Taglay rin ng aktres na si Bea Alonzo ang mga katangian na hinahanap sa isang artista. Napakaganda nga ni Bea na kung saan ay bagay sa anumang karakter na kanyang gagampanan sa kanyang mga proyekto.

Anne Curtis

Isa namang tunay na dyosa ng kagandahan ang aktres na si Anne Curtis. Natural na natural nga ang angking kagandahan ni Anne magmula noong kanyang kabataan, hanggang kasalukuyan na talaga namang hinahangaan ng lahat.

Maine Mendoza

Hindi lamang saya at kaligayahan ang hatid sa kanyang mga tagahanga ng aktres na si Maine Mendoza o kilala rin bilang si YayaDub, kundi kahanga-hanga rin ang magandang mukha nito. Samahan pa nga ng kanyang talento sa pag-arte at pagda-dub ay talaga namang kinagigiliwan ng kanyang mga tagahanga.




Sarah Geronimo

Ang Popstar Royalty naman na si Sarah Geronimo, ay hindi lamang talento sa pagkanta ang kahanga-hanga, kundi pati na rin ang kanyang hindi nakakasawang kagandahan. Ngunit, ang higit na hinahangaan ng publiko sa singer ay ang kanyang napakabuting kalooban.

error: Content is protected !!