Connect with us

Entertainment

Silipin, ang mga Sweet na Mensaheng Natanggap ng mga Celebrity Daddies na ito nitong Nagdaang Father’s Day

Nitong ika-21 ng Hunyo, araw ng Linggo, ay isang espesyal na araw ang ipinagdiwang upang bigyang pugay ang pagmamahal at sakripisyo ng mga ama ng tahanan. Masayang ipinagdiwang ng bawat tahanan ang Father’s Day, kung saan ay napuno ang social media ng pagbati na puno ng pagmamahal at pasasalamat sa itinuturing na padre de pamilya ng kanyang tahanan.

Hindi nga nagpahuli sa pagbati ang mga sikat na celebrities sa showbiz upang ipadama ang kanilang pagmamahal sa ama ng kanilang mga anak, at tumatayong ama sa kanilang pamilya.

1. Iya Villania

Upang pasalamatan ang kanyang asawa at ama ng kanyang mga anak na si Drew Arellano, ay isang video ang ibinahagi ni Iya Villania sa Instagram. Sa nasabing video ay makikita ang masayang bonding moments ni Drew kasama ang kanilang tatlong anak. Masisilayan rin kung klaseng ama sa kanyang mga anak si Drew. Caption naman ni Iya sa kanyang post:

“Here’s something to look back at to remind yourself of the kind of father you are to your children. These little moments mean everything to us.”

“To a lot of crazy and a whole lot more of loving… Happy Father’s Day, love. Our children have definitely come from a loving father.”

2. Kristine Hermosa

Ilang mga larawan ang ibinahagi ni Kristine Hermosa sa Instagram na nagpapakita, kung gaano kasipag, kauliran at talagang mapagmahal na ama sa kanilang mga anak si Oyo Sotto.

“You as the anchor of our family is reassuring knowing that your whole being is only anchored to the Lord. Happy Father’s Day. You are a great father to our children. I’m proud of you.”

3. Anne Curtis

Ibinahagi naman ni Anne Curtis ang larawan ng kanyang asawang si Erwan Heussaff kasama ang napakacute nilang baby girl na si Dahlia. Sa nasabing post, ay inilarawan ni Anne kung paano nabago ng pagiging isang ama ang buhay ni Erwan.

“Being a father has chipped that solid wall of yours and has allowed smiles and emotions to flow so freely – but of course, that trademark gwapo from will always remain. You are our world, Papa”

4. Marian Rivera

Isang gwapong larawan ni Dingdong Dantes ang ibinahagi ng kanyang asawang si Marian Rivera para batiin sa Father’s day. Sa post ay pinasalamatan ni Marian ang ama ng kanyang mga anak sa walang sawang pagtataguyod sa kanilang pamilya.

“Happy Father’s Day to the man who never ceases to amaze me day by day. Thank you Mahal for everything that you do for me and to our family. We love you so much.”

5. Maxene Magalona

Sa pamamagitan ng isang throwback photo, ay binigyang pugay ni Maxene Magalona ang kabutihan at pagmamahal ng kanyang yumaong ama na si Francis M. Mula sa kanta ni Francis M na “Mga Kababayan” ang naging caption ni Maxene na sinamahan rin ng “Forever Daddy’s Girl”.

“Bigyang galang ang ama at ang payo niya ang susundan”

6. Coleen Garcia

Cute na cute naman ang mag-amang Billy Crawford at Baby Amari sa larawang ibinahagi ni Coleen sa Instagram. Sa kanyang post, ay labis naman ang pasasalamat ni Coleen kay Billy bilang ama ng kanilang anak, na nagsisilbi umanong magandang halimbawa rito.

”My love, happy first Father’s Day. Thank you, not just for being a great dad, but also for being a great example to Amari. I’m so blessed that I get to do life and figure out this whole parenting thing with you. I love you, and I’m grateful for you always.”

7. Janella Salvador

Binati rin ng aktres na si Janella Salvador ang ama ng kanyang anak na si Markus Paterson sa pamamagitan ng pagbabahagi ng paborito niyang larawan nito at ng kanilang anak. Ito ang kauna-unahang pagdiriwang ng Father’s day ni Markus, bilang ama ng kanilang anak ni Janella na si Jude. Espesyal naman ang ipinaabot na mensahe ni Janella sa ama ng kanyang anak kung saan ay sinabi nito kung gaano kahard-working at kahands-on si Markus sa kanilang anak.

“I couldn’t be more thankful that I’m going through this crazy parenthood chapter of life with you.”

 

8. John Lloyd Cruz

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi si John Lloyd Cruz ng larawan kasama ang kanyang anak na si Elias. Makikita sa larawan na nakangiti ang cute na batang si Elias habang nakaupo sa balikat ng kanyang ama at nakapatong rin ang ulo nito sa ulo ni John Lloyd. Ang tanging naging caption lang ni John Lloyd sa larawan ay ang nagbibigay ng credits sa photographer. Matatandaan naman sa isang panayam, na ibinahagi ng aktor kung gaano kalaki ang ipinagbago ng buhay niya magmula ng dumating ang kanyang anak.

”It provided me with so much more than I imagined”

9. Solenn Heussaff

Larawan naman ng mag-amang Nico Bolzico at anak nilang si Thylane ang ibinahagi ni Solenn Heusaff. Sa kanyang post ay pinasalamatan ni Solenn si Nico sa pagiging isang mabuti at mapagmahal na ama ni Thylane.

“You are the best version of yourself as a father. Thank you for being so present and doing all that you do for us. I love the way you’re in love with her, makes me love you even more.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

10. Judy Ann Santos

May pagmamalaki ring ibinahagi ni Judy Ann Santos ang mga larawan ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo kasama ang kanilang mga anak. Maikli ngunit puno naman ng pagmamahal ang naging caption ni Juday sa kanyang post.

“To the greatest dad evah! We love you so, so much! Happy Father’s day!”

error: Content is protected !!