Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Mga Pinagkakaabalahan Ng Pamilya Pacquiao Habang Naka-quarantine

Published

on

Habang tayo ay nasa loob ng ating mga tahanan dahil sa pinapairal na quarantine, marami ang mga bagay na maaari nating gawin. Mas marami rin ang oras natin upang makapag-bonding kasama ang pamilya.

Marahil ay marami rin sa atin ang nais malaman kung ano ang mga bagay na pinagkakaabalahan ng ating mga hinahangaang personalidad.




Kagaya na lamang ng pamilya Pacquiao na isa sa mga hinahangaan at tinitingala ng publiko. Ano kaya ang kanilang ginagawa habang nasa loob ng tahanan ngayong panahon ng quarantine?
Napakalaking tulong ng social media sa ganitong uri ng panahon upang maibsan ang pagkabagot, maliban rito nagiging updated rin tayo sa mga kaganapan sa buhay ng ating mga iniidolo habang naka-quarantine.

Ang maybahay nga ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ay ibinahagi sa kaniyang latest vlog ang mga bagay na pinagkakaabalahan ng buong pamilya habang sumasailalim sa quarantine.
Makikita sa unang bahagi ng video na abala ang Pambansang Kamao sa gawaing bahay. Makikita na naglilinis si Manny sa ilang bahagi ng kanilang mansiyon na matatagpuan sa Dasmariñas Village sa Makati City. Kabilang na nga rito ang paglilinis ng veranda gamit ang isang hose. Makikita rin ang masipag na pagwawalis ng sahig ni Manny.

Nagbiro naman si Jinkee na si Manny ang bagong hire nilang tagalinis.

“Eto na ‘yung bagong hire naming tagalinis ng bahay,”

Ngunit dala ng pagod sa paglilinis ay nakatulog na ang Pambansang Kamao.

Sumunod namang ipinakita ni Jinkee ang ginagawa ng mga dalagang anak na sina Mary Divine at Queen Elizabeth na abala sa paglalaro ng volleyball sa loob ng kanilang silid.




Samantalang ang pangalawang anak naman nilang lalaki na si Michael na malaki ang pagmamahal sa musika ay abala sa paggawa ng sariling musika sa loob ng kaniyang silid. Makikita naman sa silid niya ang isang MIDI keyboard sa harap ng malaking computer monitor na ginagamit sa pag-compose ng kanta. Mayroon rin siyang organ at acoustic guitar na nakapwesto sa kaniyang gilid.

Ang sumunod namang ipinakitang eksena sa video ay ang masayang bonding ng pamilya kung saan magkakasama silang nagwo-work out sa isang bahagi ng kanilang mansiyon. Si Queenie ay abala sa motorized threadmill kasama ang nakakatandang kapatid na si Jimuel. Ang mag-asawang Pacquiao naman ay abala sa pag-streching at jumping rope.

Ang bunsong si Israel ay hindi naman nagpahuling ipamalas ang kaniyang gilas. Ipinakita ni Israel ang kaniyang mga boxing moves habang suot ang malaking gloves.




Ngunit hindi rin naman mawawala ang paghahanda ng pagkain ni Jinkee kung saan ay nagluto siya ng masarap na meryenda na maja blanca de mais kung saan ay naging katuwang ang asawang si Manny sa pagluluto at paghahanda.

error: Content is protected !!