Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Naging Kaganapan sa Engrandeng 18th Birthday Party ng Panganay na Anak Nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncilo na si Yohan

Napakabili talaga ngpaglipas ng panahon, dahil ang mga noon ay nakikita natin na mga cute na baby ngayon ay mga dalaga na, katulad na lamang ng panganay na anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan.

Noon lamang nakaraang ika-19 ng Nobyembre taon ng kasalukuyan, ay masayang ipinagdiwang ni Yohan ang kanyang ika-18 taong gulang na kaarawan, kasama ang kanyang mga magulang, kapatid, iba pang kapamilya at mga kaibigan.

Ang tunay na araw ng kaarawan ni Yohan ay noon pang ika-7 ng Nobyembre, at ito’y ipinagdiwang lamang nila noong ika-19 ng nasabing buwan, kung saan talagang naging isang engrandeng birthday party ang inihanda ng mag-asawang Juday at Ryan para sa kanilang panganay na anak.

Makikita naman sa mga lumabas na videos at larawan na kuha sa naging bonggang birthday celebration ni Yohan kung gaano nag fit ang kanyang birthday party sa pagiging isa niyang ganap na dalaga.

Sa kanyang debut party ay isang grand entrance ang ginawa ni Yohan, at ito ay isang granda dance number.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer)

Maliban pa dito, isa din sa mga talagang hindi malilimutang kaganapan sa debut party na ito ni Yohan ay ang naging moment nila ng ama niyang si Ryan, kung saan silang dalawa ay magkasamang sumayaw na ang tugtog ay ang BTS song na ‘Dynamite.’

Makikita din sa isang parte ng video na nagkaroon naman ng special dance showdown si Yohan at ang kanyang ina na si Juday kung saan talagang tuwang tuwa ang mag-ina, dito makikita kung gaano talaga kamahal ni Juday si Yohan.

Siyempre hindi din nagpahuli ang ina ni Yohan na si Juday, dahil silang mag-ina ay magkasama ding nag-perform ng isang Tiktok dance na ang tugtog ay ang ‘Cool for the Summer’ ng sikat na mang-aawit na si Demi Lovato.

Samantala, bilang mga magulang ni Yohan, magkasama din ang mag-asawang Juday at Ryan na nagbigay ng kanilang welcome speech para sa lahat ng mga bisitang dumalo sa pagdiriwang nila ng ika-18 taong gulang na kaarawan ng panganay nilang anak.

“Thank you all for coming everyone. You’re going to make this night special, not only for our daughter Yohan but for us parents. Hindi man kami ready byt he end of this night, I think lahat tayo ma-ri-realize natin that all the kids here, hindi kami matanda. Bata lang kayo (laughs). So thank you very much,” saad ni Ryan.

Saad naman ni Juday, “Thank you all for making time. I know yung iba medyo short notice but all of you are part of Yohan’s growing up mula nung pagkabata niya. And it really means so much to us na nandito kayo. So enjoy the night with us, let’s have fun, let’s drink, let’s eat, and let’s party!”

Isa naman sa mga bigating artista na dumalo sa kaarawan na ito ni Yohan ay ang tinaguriang Mega Star na si Sharon Cuneta, na batid naman ng lahat na isa sa mga malalapit na kaibigan ni Juday sa industriya ng showbiz. Sina Juday at Sharon ay halos magkapatid na rin ang naging turingan, matapos nilang magsama sa proyekto noon sa 2002 Star Cinema film na Magkapatid.

Si Yohan ay inadopt ng aktres na si Judy Ann Santos noong siya ay 26-taong gulang pa lamang, at ng siya ay ikasal kay Ryan Agoncillo ay inadopt din nito ng legally si Yohan, at ito ay kanilang itinurin na tunay at panganay nilang anak na mag-asawa. Maliban kay Yohan, ay mayroon ding dalawang biological son ang mag-asawa, ito ay sina Lucio, 12 at Luna,6.

error: Content is protected !!