Connect with us

Entertainment

Silipin ang Mga Nag-Gagandahan at Naglalakihang Bahay ng mga Sikat na Komedyante sa Pilipinas

Nagbibigay ngiti at aliw sa mga Pilipino, ganyan kung ilarawan ang mga komedyante sa Pilipinas. At ilan nga sa mga sikat na komedyante sa ating bansa, dahil sa kanilang pagsusumikap sa buhay ay nagmamay-ari na nga ng malalaki at magagarbong bahay.

Samantala, tunay nga namang karapatdapat lamang sa mga komedyante na sila ay magtamasa ng magandang buhay dahil kita nga sa kanila ang kanilang sipag at tiyaga sa pagpapasaya ng sambayanang Pilipino.
Ngayon nga ay tingnan natin ang pinakamagandang bahay ng mga komedyanteng Pilipino.

1. Paolo Ballesteros

Siya ay isang aktor, TV host at komedyante na ngayon ay 38-years old. Ang kanyang karera sa showbiz ay nag-umpisa ng maging isa siyang host ng isang segment ng Eat Bulaga noong taong 2001.
Ang kanyang 3-storey dream house ay kanyang ipinatayo sa Antipolo City na mayroong modern minimalist design.

Mayroon itong malawak na balcony kung saan makikita nga ang mapunong parte ng komunidad. Maliban sa sementong bakod nito ay pinalagyan niya ito ng electric fence bilang dagdag proteksyon mula sa mga masasamang loob.

2. Empoy Marquez


Siya ay isang aktor at komedyante na ngayon ay 39-taong gulang. Nagsimula siya sa showbiz ng siya’y magwagi sa MR. Suave look-a-like contest sa Magandang Tanghali Bayan sa ABS-CBN noong 2003.

Magmula nga noon ay naging parte na ng iba’t ibang palabas at pelikua sa telebisyon hanggang sa siya nga ay maging bida sa Highest Grossing Filipino Independent Film of All-Time na ‘Kita Kita’ taong 2017.Si Empoy ay nagpatayo ng kanyang simpleng bahay na may dalawang palapag sa Bulacan para sa kanyang pamilya.

3. Vic Sotto

Siya ay isang singer, aktor at komedyante na ngayon ay 66-taong gulang. Nag-umpisa siya bilang isang gitarista hanggang sa naging bokalista ng banda noong 1970’s. Bago pa man ang kanyang naging kasal kay Pauleen Luna, taong 2016 ay sinimulan ng itayo ang kanilang magiging bahay sa Cabuyao Laguna.

Ang bahay nga na ito ay nakatayo sa 1,200 sq. meter na lupa at ito nga ay mayroong dalawang palapag. May apat na silid ito at mayroon din itong sariling swimming pool. Tanaw rin mula sa kanilang tahanan ang golf course ng e subdibisyon.

4. John Lapus

Siya ay isang host, direktor at komedyante na ngayon ay 47-taong gulang. Nag-umpisa siya bilang researcher sa ABS-CBN taong 1993 hanggang maging parte na rin ng mga show at nagkaroon nga ng supporting roles sa mga pelika.

Dahil sa kanyang sipag sa mga gig at hosting sa iba’t ibang lugar ay nakabili siya ng isang town house sa Quezon City noong 2010. Ang bahay na ito ay may tatlong palapag at may floor area na 230 sq. m at nakatayo sa lupang may lawak na 125 sq.m.

5. Ogie Alcasid

Siya ay isang singer-songwriter, aktor at komedyante na ngayon ay 53-taong gulang. Siya ay nag umpisa sa showbiz ng siya ay maging parte ng male singing group na Kunderana taong 1985. Naging sikat na singer at nakitaan ng galing sa pagpapatawa kaya naman naging parte rin ng mga TV shows at pelikula.

Ang kanilang bahay, kasama ang kanyang asawa na si Regine Velasquez ay matatagpuan sa mataas na bahagi ng Quezon City, kaya naman tanaw mula rito ang siyudad. Ang tatlong palapag na bahay na ito ay mayroong infinity pool, at music room dahil parehong singer ang mag-asawa.

6. John Estrada

Siya ay isang aktor, host at komedyante na ngayon ay 47-taong gulang. Una siyang nakilala ng Manalo sa Body Shuts Model Search noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang. Naging parte siya ng Palibhasa Lalaki sa ABS-CBN noong 1990 hanggang sa siya nga ay maging host at bida sa iba’t ibang mga show at pelikula.

Si John ay nagpatayo ng kanyang bahay na mayroong dalawang palapag Orcard Residential Estates Golf and Country Club sa Dasmarinas Cavite. Pinaliligiran ito ng salamin na dingding at mayroong sariling swimming pool. Likas na maganda rin ang tanawin na matatanaw mula rito dahil katabi lamang ito ng golf course ng kanilang ekslusibong subdibisyon.

7. Pokwang

Siya ay isang aktres, host, singer at komedyante na ngayon ay 50-taong gulang. Siya ay dating nagtatrabaho bilang entertainer sa Japan, at naranasan niya rin magtrabaho nilang isang back-up dancer sa mga palabas. Naging stand-up comedian sa comedy bar, at ng siya nga ay magwagi sa Cloud in a Million na isang reality show noon sa ABS-CBN ay nagsunod-sunod na ang mga proyekto niya.

Ang kanyang bahay ay ipinatayo niya sa Antipolo City, at ito nga ay mayroong apat na palapag. Walo naman ang kabuuang bilang ng mga kwarto nito. Mayroon din itong roof deck na talaga namang maganda ang matatanaw na tanawin dahil nasa mataas na bahagi ito.

8. Vice Ganda

Siya ay isang singer, host at komedyante na ngayon ay 44-taong gulang. Siya ay matagal na naging stand-up comedian sa ilang mga comedy bar, bago pa man nga siya nagkaroon ng break nang maging isang regular host ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa ay nagkaroon siya ng kanyang sarili show na ‘Gandang Gabi Vice’ at bumida sa mga highest gross na pelikula.
Ang kanyang bagong bahay sa Antipolo City ay may dalawang palapag ay may lawak na 1,300 sq. meters. Mayroon itong swimming pool, elevator at puno ng mga mamahalin at high tech na mga kagamitan.

9. Willie Revillame

Siya ay isang singer, aktor, prodyuser, tv host, negosyante, at komedyante na ngayon ay 60-taong gulang. Nag umpisa siya bilang drummer ni Garry Valenciano taong 1980’s. naging co-host sa mga TV shows hanggang sa mabigyan na nga siya ng kanyang sariling programa.

Ang kanyang bahay sa Ayala City ay may floor area na 700 sq. meters at nakatayo naman sa lupang may lapad na 2,300 sq.meters. Binili niya ito sa kanyang dating boss sa ABS-CBN na sa Gabby Lopez sa halagang 80-milyon pesos. At gumastos pa nga siya 65-milyon pesos para pagandahin pa ito.

May malawak na bakuran ang naturang bahay. At ito nga ay may swimming pool, jakuzi, sona, pond at guest house na tila nga isang mamahaling resort.
Talaga namang nakaka-inspire ang mga nag-gagandang bahay ng mga sikat na komedyanteng ito lalo na nga’t ito ay kanilang naipundar dahil sa kanilang kasipagan.

error: Content is protected !!