Silipin ang mga Mamahaling Koleksyo ng mga Sasakyan ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao

Kilala sa larangan ng sports ang pambansang kampeon na si Manny Pacquaio sa buong mundo dahil sa natatangi niyang galing sa boxing. Hindi rin maitatanggi na isa siya sa mga pinakamayayamang atleta sa buong mundo.







Mula sa pamamahagi niya ng pera, bahay at lupa sa isang nagtitinda ng ice cream hanggang sa paggastos ng limpak-limpak na salapi sa iba’t-ibang kotse, tumatak na ang pangalan niya sa buong pilipinas kaya hindi na bago ang mga ito sa pandinig ng mga Pilipino.

Bukod sa mga sasakyan niyang Honda CR-V, Ford Expedition, Cadillac Escalade, Hyundai Santa Fe, Mitsubishi Grandis, at Chevrolet Suburban, narito pa ang ilan sa mga mamahalin niyang sasakyan na talaga nga namang nakakabighani.

Mitsubishi Pajero

Isa ito sa kauna-unahan niyang sasakyan. Tinatayang mahigit na Php 2.6 milyon ang presyo ng sasakyang ito ngayong taon ng 2018.

Hummer H2

Pagkatapos siyang mahalal bilang isang senador, nangailangan siya ng bagong sasakyan na may mataas na kalidad para sa kanyang seguridad. Kaya naman binili niya ang isang bulletproof Hummer H2. Ang presyo ng sasakyang ito ay tinatayang aabot sa Php 1.3 milyon – Php 3 milyon.

Lincoln Navigator

(not the actual image / for illustration purpose only)

Ayon sa Edmunds, ang Lincoln Navigator ay tinatayang aabot ng Php 3.3 milyon – 4 milyon ang presyo. Ito ay produkto ng kumpanya ng Ford at sinasabing ito ay ang pinakapaborito niyang gamitin na sasakyan.




Mercedes SL550

Ang sports car na ito ay nagkakahala ng Php 5.9 milyon. Masasabing isa ito sa mga mararangyang sasakyan bi Manny Pacquiao.

Porsche Cayenne Turbo S

Ayon sa website ng Porsce, ang presyo ng Cayenne Turbo S ngayong 2018 ay nagkakahalaga ng Php 8.5 milyon. Binili ito ni Manny noon 2006 bilang regalo para sa sarili pagkatapos niyang talunin si Erik Morales sa kanilang laban.

Ferrari 458 Italia: Grey Edition

Ang presyo ng sasakyang ito ay aabot sa halagang Php 12.3 milyon hanggang 15.8 milyon. Isa sa mga kilalang personalidad tulad ni Ozzy Osbourne, Justin Bieber, at Nick Mason ang mayroon ding sasakyang Ferrari 458.

Dahil sa matinding sikap at sakripisyo, nakabili si Manny ng mga maluluhong sasakyan tulad nito. Nararapat lamang sa kanya ang natatamasa niyang biyaya dahil napatunayan niya na ang kanyang sarili sa buong mundong. Anong masasabi ninyo sa nga sasakyan ni Manny Pacquaio? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *