Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Larawan ng Magkaibigang Maja Salvador at Kim Chiu, na Nagpapatunay ng kanilang Matibay na Pagkakaibigan sa Paglipas ng Panahon

Sabi nga nila, ang pagkakaibigan ay nasusubok sa isang pagsubok at matinding unos na kailangang lampasan. Siyang tunay, dahil hindi lamang talaga purong saya at kaligayahan sa pagbuo ng masasayang alaala, ang nararanasan ng magkaibigan. Dahil kaakibat na ng pagkakaibigan, ang mga hindi inaasahang pangyayari na magdadala ng matinding hamon upang subukin ang tatag ng pagkakaibigan. At kapag nalampasan nga ito, masasabi na talagang maganda at matibay ang pundasyon ng pagkakaibigan na pinatatag na ng anumang pagsubok.




Katulad na lamang nga ng magkaibigang Maja Salvador at Kim Chiu. Parehong maganda at hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz, parehong namamayagpag ang karera dahil sa kanilang husay sa pag-arte. Ang magkaibigang Maja at Kim nga, ay masasabi na parang magkapatid na ang turing sa isa’t isa. Madalas magkasama, na talaga namang pinapahalagahan ang bawat isa, mapatravel man kahit saang lugar ay talagang magkasangga sila.

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Hindi rin maikakaila na magkasundong-magkasundo sila sa maraming bagay. Talaga namang close na close ang magkaibigan sa isa’t isa. Hanggang sa sinubok ng tadhana ang kanilang pagkakaibigan, na muntik ng masira. Ngunit, sa huli nga ay mas nanaig ang tibay at tatag ng kanilang samahan bilang magkaibigan.

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Matatandaan na isang malaking kontrobersya ang muntik ng sumira sa pagkakaibigan nina Maja at Kim. Ito nga ang pagpasok ni Gerald Anderson sa buhay nilang dalawa.

Matatandaan na unang naging kasintahan ni Gerald si Kim na nagsimula on-screen sa tambalang Kimerald at nauwi nga sa totoong buhay ang kanilang pagtitinginan. Hindi nga nagtagal, ang relasyon ng dalawa ay nauwi sa hiwalayan noong 2010. At noong 2013 naman, ay nagsimula ang relasyon ni Gerald kay Maja na nauwi rin sa hiwalayan.

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Samantala, kahit na may pagsubok na dumaan sa kanila, ay kanila itong nalampasan at mas piniling ayusin at ibalik sa dati ang kanilang pagkakaibigan. Ayon nga kay Maja, ay matagal na nilang naayos ni Kim ang gusot sa pagitan nila. Ito nga ay noon pang sila pa ni Gerald ang magkarelasyon. Ngunit, paglilinaw ng aktres ay hindi na umano ito kailangan pang isapubliko.

“We need to save our friendship,”saad ni Maja.




Photo credits: ent.abs-cbn.com

Dagdag pa nito, ay naayos umano ang balakid na nakapagitan sa kanila ni Kim dahil sa maayos na komunikasyon. Sa katunayan nga nito, ay nagbahagi pa sila pareho ng larawan nila sa Instagram, nang pumutok ang isyu kina Gerald, Bea Alonzo at Julia Barretto.

Sa panayam nga sa Tonight with Boy Abunda, ay sinabi ni Maja na hindi na sila natatakot sa anumang sasabihin ng basher patungkol sa kanilang pagkakaibigan.

“Dumating na po siguro sa panahon na wala na kaming pakialam kung may sabihin ‘yung mga bashers.”

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Samantala, nang makapanayam naman si Kim sa Magandang Buhay, ay ibinahagi niya kung paano nahubog ang samahan at pagkakaibigan nila ni Maja sa teleseryang “Ina ,Kapatid, Anak”.

“One of the most memorable teleseryes na meron kami. Dito sinubok ang aming friendship. It’s so hard to act and everything pero nagawa naman namin with flying colors.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Kim sa kung anong meron sa pagkakaibigan nila ni Maja. Masaya nga ang aktres, na anuman ang kanilang napagdaanan ay napanatili ang kanilang pagkakaibigan.

“Sa’ming dalawa ni Maja, nagpapasalamat ako kasi kung ano ‘yong klase ng pagkakaibigan ‘yong gusto ko, ‘yon ‘yong gusto niya. Parehas kami ng paningin sa buhay — kung ano ‘yong tapos na, tapos na. And buti na lang nagkakasundo kami do’n. Nagkakaintindihan kami.”

Photo credits: ent.abs-cbn.com

“it shows na no matter what happens, kung ano man ‘yong bagay na nakasira sa’min e pwedeng kalimutan, pwedeng ibalik ‘yong dati.”

Talaga namang pinagtibay na ng panahon ang pagkakaibigan nila Maja at Kim, na kahit anu pang unos ang muling dumating sa kanilang relasyon bilang magkaibigan, ay tiyak na malalampasan nila. Patunay naman ng magandang samahan nina Maja at Kim ang mga larawang kanilang ibinabahagi sa social media, kung saan ay masisilayan ang kasiyahan sa kanilang mukha.

error: Content is protected !!