Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Kahanga-hangang Maternity Photoshoot ng mga Celebrity Moms Na Ito Sa Showbiz

Ang maging isang ina nga ay isa sa pinakamagandang biyayang ipinagkaloob ng Diyos dahil hindi lahat ng kababaihan ay nabibigyan ng pagkakataon matupad ang pangarap na maging isang ina. Kaya naman, ang mabiyayaan ang isang sanggol, ay isang napakagandang biyaya na dapat ipagpasalamat.

At para sa milestone ng isang ina ay talagang nais nilang maging masaya, at hindi makakalimutan ang pinakaimportanteng kaganapang ito sa kanilang buhay. Kaya naman, tinitiyak nilang magkaroon ng isang masayang alaala ang kanilang pagbubuntis.

Katulad ng mga celebrity moms, na talagang may inilaang maternity photoshoot para sa kanilang pagbubuntis bago pa man dumating ang kanilang baby. Ating silipin ang mga kahanga-hangang kagandahan ng mga celebrity moms sa showbiz na ito sa kanilang maternity photoshoot.

Ang aktres at celebrity mom na si Anne Curtis ay talagang sinulit ang pagiging first time mom sa kanyang anak baby girl. Sa kanyang naging maternity photoshoot nga, ay talagang pinatunayan ni Anne na isa siyang dyosa ng kagandahan. Makikita nga na ipinakita ni Anne ang kanyang makinis na balat, at kanyang maumbok na tiyan.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ang aktres na sina Riva Quenery at Janella Salvador ay hindi nagdalawang isip na ipakita ang kanilang makinis at maputing balat. Sa isang larawan ay makikitang naka-topless si Riva, samantalang si Janella naman ay napakaeleganteng pagmasdan habang suot ang isang backless floral black gown.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ang first time mom ring si Ryza Cenon ay makikitang napakaganda sa kanyang suot na black halter dress na binagayan nh maong pants at off-shoulder midriff top. Nakasama naman ni Ryza sa kanyang maternity photoshoot ang kanyang partner.

Photo credits: google.com

Ang mga celebrity mom na sina Dimples Romana, Sarah Lahbati, Jolina Magdangal-Escueta, at Aubrey Miles, bagama’t hindi naman ito ang unang pagkakataon na maging ina, ay tiniyak naman nilang maging masaya at hindi makakalimutan ang kanilang huling pagbubuntis.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Bago nga isinilang ni Dimples ang kanyang bunsong anak na si Alonzo, ay masaya niyang ibinahagi ang kanyang maternity photoshoot sa kanyang Instagram account kung saan sa caption ng kanyang post, ay kanyang ipinahayag ang kanyang kaligayahan sa kanyang second pregnancy. Habang si Sarah naman, ay ibinahagi rin ang kanyang maternity photoshoot noong 2018 sa kanyang Instagram.

Ang Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal ay hindi rin nagpahuli na ipasilip ang kanyang maternity photoshoot sa kanyang 2nd baby na si Vika noong 2018. Para sa espesyal niyang photoshoot kung saan nagkaroon siya ng fairytale-inspired maternity shoot in 2018 ay nakasama niya ang kanyang asawang si Mark Escueta at panganay na si Pete.

Isa namang kakaibang maternity photoshoot ang ginawa ni Aubrey para sa kanyang bunsong anak na si Rocket.

Photo credits: google.com

Isang workout-themed shoot ang napiling tema ng aktres para isakatuparan ang kanyang maternity photoshoot.

error: Content is protected !!