Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Kahanga-hangang Gown na Sinuot ng mga Sikat na Artistang ito Noong Nag Debut Sila

Published

on

Isa nga sa pinapangarap sa buhay ng isang dalaga ay ang magkaroon ng engrandeng pagdiriwang ng debut pagsapit ng ika-18 na kaarawan. Kaya naman, ang espesyal na araw na ito ay talagang pinaghahandaan. At isa nga sa inaabangan ng debutante ay ang isusuot na gown na kung saan ay talagang agaw pansin ang ganda kapag suot na.




Marami nga sa mga sikat ng artista ang nagdiwang ng kanilang debut kung saan ay nagsuot ng mga kahanga-hanga at napakagandang gown. Ating silipin ang mga kahanga-hangang gown ng mga sikat na artista sa kanilang debut.

Ayeesha Cervantes

Ang Kapuso actress na si Ayeesha Cervantes ay matagal nang pangarap ang magkaroon ng isang engrandeng pagdiriwang ng debut. Kaya naman, nang sumapit ang kanyang 18th birthday ay hindi pinalampas ng aktres ang makapagsuot ng napakagandang gown. At ang napili niya ngang isuot ay isang lilac tulle ballgown na dinisenyo ni Leilani Kate Yalung Manila.

Photo credits: Niceprintphoto

Cassy Legaspi

Noong January 6, 2019 naman nagdiwang ng 18th Birthday ang kambal na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi kung saan ay nagkaroon sila ng Oscars-themed celebration. At ang ganap nang dalagang si Cassy ay lumutang ang angking kagandahan sa suot niyang gown na kulay gold kung saan may ruffled na disenyo na mas nakadagdag sa ganda ng gown.

Photo credits: google.com

Therese Malvar

Napakaganda naman ng aktres na si Therese Malvar sa suot niyang gown nang magdiwang siya ng kanyang debut. At ang naturang gown nga ay kulay royal blue na may disenyo naman ng mga star na mas lalong nagpalutang sa ganda ng aktres.

Photo credits: Pep.ph

Kate Valdez

Ang Onanay star namang si Kate Valdez ay nagdiwang ng kanyang debut noong August 21, 2018 sa Prime Hotel sa Manila kung saan ay may napakagandang ocean-themed celebration. Ang pangarap ngang ito ng aktres ay mas lalo pang naging makulay sa suot niyang napakagandang gold gown na dinisenyo ni Jazel Sy. May mataas rin itong slit kung saan makikita ang makinis na legs na aktres na talaga namang bagay na bagay sa kanya bilang isa nang ganap na dalaga. Nagpalit naman ang aktres ng isang blue ball gown na mula naman sa Apartment 8 Clothing kung saan ay binagayan naman ng nakalugay niyang buhok.

Photo credits: Jazelys | Instagram




Maine Mendoza

Ang binansagan namang YayaDub na si Maine Mendoza ay nagkaroon ng Candyland-themed sa pagdiriwang ng kanyang 18th Birthday kung saan ay bagay na bagay sa kanyang personality ang suot niyang gown.

Photo credits: google.com

Gabbi Garcia

Ang aktres na si Gabbi Garcia ay nagdiwang ng kanyang 18th Birthday sa Marriott Hotel Grand Ballroom sa Pasay City. Marami ang humanga sa napakagandang suot na silver gown ni Gabbi na dinisenyo ni Mark Bumgarner. Matapos naman ang grand entrance ng aktres ay nagpalit naman siya ng isang emerald green dress.

Photo credits: google.com

Klea Pineda

Isang napakagandang mermaid gown naman ang suot ng aktres na si Klea Pineda sa kanyang 18th birthday na may disenyong chartreuse mula sa fashion designer na si Leo Almodal. Bago naman matapos ang gabi ay nagpalit siya ng isang bohemian dress na dinisenyo naman ni Kim Gan.

Photo credits: google.com

Thea Tolentino

Ang napakagandang gown naman na suot ng aktres na si Thea Tolentino sa kanyang 18th Birthday ay mula sa mahusay na designer na si Francis Libiran. Ito nga ay may disenyong “black and bejeweled”, na nagpalutang sa ganda ng aktres.

Photo credits: google.com




Krystal Reyes

Tila naman isang prinsesa ang aktres na si Krystal Reyes sa suot niyang kulay pink na gown noong nagdiwang siya ng kanyang 18th Birthday.

Photo credits: google.com

Bianca Umali

Kahanga-hanga naman ang gown ng aktres na si Bianca Umali. Ang ganda naman talaga ng disenyo ng kanyang gown. At sa araw nga ng kanyang debut, ay 4 na beses ring nag-change outfit ang aktres kung saan lahat ng ito’y napakaganda na may parehong shade ng blue pastel.

Photo credits: niceprintphotos

error: Content is protected !!