Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Cute na Larawang ito ng Ilang Kamilya Stars na Naaktuhang Mahimbing na Natutulog

Hindi naman talaga madami ang trabaho ng isang artista sa harap ng kamera. Dahil sa likod ng kanilang kahanga-hangang pelikula at nakakaiyak na tagpo sa mga teleserye ay ang kanilang hirap, pagod at puyat sa bawat taping upang mabuo ang kwento nito.




Minsan rin ay sa iba’t ibang lugar ginagawa ang bawat eksena, at ang oras rin ay iba-iba at kadalasan nga ay inaabot pa sila ng madaling araw sa taping. Kaya naman, napapagod at sumusuko rin ang kanilang katawang lupa kung saan ay nagagawa nilang umidlip man lang kahit ilang sandali sa kalagitnaan ng taping upang makapagpahinga. Silipin natin ang mga artista na nakuhaan ng larawan habang sila’y natutulog. Na sa kabila ng kanilang pagod at puyat ay nananatili pa rin ang taglay na ganda at gwapo sa kanilang mga mukha.

JM de Guzman

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Marami ang humanga sa galing at husay sa pag-arte ng gwapong aktor na si JM de Guzman sa teleseryeng Pamilya ko. At sa kabila ng mahaba at nakakapagod na taping tiyak na kailangan ring magtulog at magpahinga ng aktor kahit ilang sandali lamang.

Vice Ganda

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Ang Unkabogable star na si Vice Ganda ay maraming mga proyekto sa showbiz. Sa kaliwa’t kanan niyang programa ay halos hindi na siya nakakapagpahinga. Kaya naman, may mga pagkakataong nahuhuli rin siyang natutulog habang nasa taping. At maging ang kanyang co-host sa Showtime na sina Anne Curtis, Jhong Hilario, at Ryan Bang ay naaaktuhan ring umiidlip sandali.

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Ang mga lovely couples naman ng Kapamilya ay may hatid paring kilig kahit natutulog. Tulad na lamang na magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na kahit natutulog ay nakaholding-hands pa rin.

Billy Crawford at Coleen Garcia

Photo credits: ent.abs-cbn.com




Photo credits: ent.abs-cbn.com

Maging ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ay kitang-kita rin ang kasweetan habang natutulog ng magkasama.

Liza Soberano

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Tila naman gaya ni Sleeping Beauty kung matulog si Liza dahil ang kanyang taglay na kagandahan at maamong mukha ay kitang-kita parin kahit mahimbing na natutulog na tila nag-aantay na gisingin ng kanyang prince charming na si Enrique Gil.

Sarah Geronimo

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo naman ay napapagod rin sa pagbirit at paggawa ng mga proyekto kung kaya’t may mga pagkakataon na kailangan niyang bigyan ang sarili ng ilang sandali upang makapagpahinga.
Maging ang mga naggagandahang Kapamilya actress na sina Kim Chiu, Erich Gonzales, Janella Salvador, Alex Gonzaga, Andrea Brillantes, Sofia Andres, Mariel Padilla, at Julia Barretto ay kailangan ring magbeauty rest sandali upang manatiling maganda kahit pagod.




Ang mga hunk namang mga aktor ng Kapamilya, malalaki at matitipuno man ang kanilang katawan ay inaantok rin sila lalo na kung alanganing oras ang taping. At kailangan rin nilang umidlip kahit sandali tulad na lamang nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Sam Milby, Xian Lim, Zanjoe Marudo Enchong Dee, Luis Manzano.

Photo credits: ent.abs-cbn.com

 

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Photo credits: ent.abs-cbn.com

error: Content is protected !!