Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Adorable Throwback Photos ni Kris Aquino noong Baby siya Hanggang Magdalaga at Sumabak sa Pag-aartista

Sa mga nakaraan buwan naging laman si Kris Aquino ng ibat-ibang headline at artikulo ng mga blogs matapos nitong ibahagi na dumaranas ito ng pagsubok at pilit nilalabanan ang kanyang sakit.

Naging usap-usapan din ang kanyang pag-alis papuntang amerika upang doon humanap ng solusyon sa kanyang lumalalang sakit. Madami sa kanyang mga kaibigan at mga fans ang nagpapaabot ng panalangin sa aktres.

Maliban dito lumabas naman sa social media ang ilan sa kanyang mga adorable photos noong kabataan niya na talaga namang hinangaan ng madla dahil sa taglay nitong kagandahan. Kinilala si Kris hindi lang dahil sa kanyang pamilya, ngunit dahil narin sa talento nito at galing bilang isang artista at tv-host.

Sa nakaraang ilang dekada, naging mapayagpag ang karera ni Kris Aquino sa mundo ng showbiz kung saan nagkaroon pa siya ng mga solo entertainment talk shows, napakaraming pelikula na siya ang bumida, variety shows, game shows, mga teleserye, comedy sticom, Tv specials at mga dokumentaryo.

Nagsimula lumabas si Kris sa telebisyon noong 1986 kung sa palabas na Inday Badiday at taong 1990 naman ng una siyang nagkaroon ng movie career at ito ay ang Pido Dida: Sabay tayo, kung saan naging kapartner niya ang sikat na komedyanteng si Rene Requiestas. Noong una ay ayaw ng kanyang inang si Cory Aquino na sumabak si Kris sa pelikula pero kalaunan ay napapayag din ito ng aktres.

Dito na nagtuloy tuloy ang kanyang matagumpay na karera sa showbiz kung saan nakilala siya ng madla sa kanyang natural na talento at galing.

Narito at silipin natin ang ilan sa mga adorable photos ni Kris Aquino noong nagsisimula palamang ito sa showbiz.

Kris at ang kanyang inang yumaong si dating Philippine President Corazon Aquino.

Si Kris at ang kanyang yumaong amang si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ilan sa mga netizens ang nagcocompare sa itsura ng batang Kris Aquino sa mga Korean superstars na kagaya nila Bae Suzy, Kim Hyeon-soo at ng miyembro ng blackpink na si Jisoo.

Ang batang si Kris Aquino suot ang kanyang eyeglasses.

Sa larawang ito, sinamahan ni Kris Aquino ang kanyang ina na si Cory sa isang interview ng sikat na American Anchor na si Sam Donaldson.

Naimbitahan noon si Kris Aquino sa ibat-ibang international shows at isa na dito ay ang isang Japanese show.

Noong dekada 80’s  lumabas din si Kris Aquino sa tinaguriang longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.

Kahit na galing si Kris sa isang pamilya ng politiko, mas pinili ni Kris ang magkaroon ng sariling pangalan sa showbiz kung saan dito sya sumikat at namayagpag ang karera.

 

error: Content is protected !!