Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Adorable Photos ng Mag-inang Sofia Andres at Baby Zoe sa Kanilang Nakaka Good Vibes na Twinning Outfits

Magmula nang ibunyag sa publiko ng aktres at modelo na si Sofia Andres ang kanyang pagiging isang ganap na ina, ay tila naging panatag ang kanyang kalooban. Dahil dito, ay tuluyan na ring naging isang bukas na libro ang buhay ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang napakacute na baby girl na si Zoe Natalia Miranda.

At ngayon nga na halos isang taon na ang lumipas magmula nang isapubliko niya, ay mas lalo namang naeenjoy ni Sofia ang motherhood kung saan ay walang pinapalampas na pagkakataon sa milestone ng kanyang anak.

Photo credits: Sofia Andres | IG

Isa nga sa kagandahan ng pagkakaroon ng isang anak na babae, ay ang mabihisan at maayusan ito ng mga magagandang damit, lalo na ng mga matching outfit. At ang bagay na ito ang isa sa inienjoy ni Sofia at ng kanyang anak na si Baby Zoe.

Photo credits: Sofia Andres | IG

Kaya naman, maliban sa bonding moments nilang mag-ina, isa rin sa talagang agaw-pansin sa mga netizens ay ang cute and adorable photos nilang mag-ina kung saan makikitang nakasuot sila ng matching outfits. Madalas ngang pusuan ng mga netizens ang kanilang mga larawan na ibinabahagi ni Sofia sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Makikita naman talaga na napakacute si Baby Zoe kanyang mga suot, at hindi rin maikakaila na ang maganda at maamong mukha ay namana niya sa kanyang mga magulang. Napakaganda rin ng suot na matching outfit ni Sofia sa kanya na talaga namang bagay na bagay.

Photo credits: Sofia Andres | IG

Tila nga sa bawat lakad nilang mag-ina at bawat bihis, ay kadalasang nakasuot ang dalawa ng matching outfits. Makikita na mula sa bestida, swimsuit at kahit pang OOTD, ay makikita na naka-fashion goals ang mag-inang Sofia at Baby Zoe.

Photo credits: Sofia Andres | IG

Samantala, ang napakaganda at napakacute na si Baby Zoe ay talagang kinagigiliwan ng marami. Bukod kasi sa napakacute nito, ay marunong na rin itong umawra sa harap ng camera na animo’y isang batang modelo. Hindi na nakapagtataka na nakuha rin nito ang kakayahan ng kanyang ina bilang isang mahusay na modelo. Tiyak nga na malaki rin ang tyansa na sa paglaki nito ay sumunod ito sa yapak ng kanyang ina bilang isang artista at modelo.

Photo credits: Sofia Andres | IG

Si Baby Zoe ay anak ni Sofia sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda na isang professional car racer, at nagmula rin sa isang mayamang angkan. Isinilang ni Sofia si Baby Zoe noong November 24, 2019 sa Sydney, Australia. At noong June 2020, sa mismong pagdiriwang ng Father’s Day ay isinapubliko na ni Sofia ang kanyang pagiging isang ganap na ina. Sa isang panayam ay sinabi ni Sofia, na kaya niya inilihim ang kanyang pagbubuntis ay upang makaiwas sa stress.

Photo credits: Sofia Andres | IG

Ang 22 taong gulang na si Sofia ay nagsimula sa kanyang karera sa showbiz bilang isang commercial model. Hanggang sa mapabilang siya sa naggagandahan at talentadong artista ng Star Magic. Unti-unti siyang nakilala sa telebisyon noong 2012 nang mapabilang sa hit teen drama ng ABS-CBN na “Princess and I”.

error: Content is protected !!