Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Pamilya ng Aktor na si JC De Vera na Nagbigay Kulay at Nagpabago ng Kanyang Buhay

Ang aktor na si JC Santos na kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na John Carlo de Vera, ay isa nga sa hunk actor na talaga namang hindi lang gwapo, kundi taglay rin ang kahanga-hangang talento sa pag-arte.

Sa kanyang husay nga, ay talaga namang nakapila ang kanyang mga proyekto. At noong 2019, ay napanood natin ang kanyang natatanging talento sa Kapamilya teleseye na “The General’s Daughter”.

Photo credits: JC De Vera | IG

Samantala, maliban sa pagiging isang aktor, ay abala rin si JC bilang isang butihing asawa at ama sa kanyang pamilya. Hindi naman maikakaila na magmula ng magkaroon ng sariling pamilya si JC, ay malaki ang nabago sa kanyang buhay. Kung noon nga, ay nakatuon lang ang kanyang atensyon sa trabaho, ngayon nga ay may dahilan na siya sa buhay upang mas lalo pang magsipag at pagbutihin ang kanyang trabaho para maitaguyod ang kanyang pamilya.

Photo credits: JC De Vera | IG

Ngayon nga ay masayang namumuhay si JC kapiling ang kanyang non-showbiz wife na si Rikka Alyssa Cruz at kanilang napakacute na anak na si Lana Athena.

Photo credits: JC De Vera | IG

Si Baby Lana ay isinilang ni Rikka noong May 2018, at ngayon nga ay tatlong taong gulang na ito. Matatandaan rin na noong, nang ianunsiyo ni JC na plano niyang pakasalan si Rikka sa simbahan, dahil nga nauna na silang nagkaroon ng civil wedding ceremony bago pa man isilang ng kanyang asawa ang kanilang panganay na anak.

Photo credits: JC De Vera | IG

Minsan na ring ibinahagi ni JC sa isang panayam, kung gaano siya kapalad at nagpapasalamat dahil pinagkalooban siya ng sariling pamilya. Ibinahagi rin ng aktor, kung paanong nabago ang buhay niya sa pagdating ng kanyang baby girl na si Lana. Ngayon nga na may sariling pamilya na siya, ay wala na siyang panahon pa para gumimik at magkaroon ng night life dahil nakatuon na ngayon ang kanyang buong atensyon sa kanyang pamilya. Ang pamilya na nga ni JC ang kanyang tanging prayoridad ngayon.

Photo credits: JC De Vera | IG

Makikita nga sa social media ng aktor, ang larawan ng kanyang masayang pamilya kung saan ay madalas ibahagi ang kanilang bonding moments. At kitang-kita rin na napakahands on ni JC sa kanilang anak ni Rikka. Hindi nga maikakaila na talagang isa ng family man ngayon si JC na ang tanging hangad ay kung anong makakabuti sa kanyang pamilya. Tunay nga na ang pagmamahal ni JC sa kanyang pamilya ay walang katulad.

Photo credits: JC De Vera | IG

Matatandaan naman na naging pribado ang pagsilang ni Rikka sa kanilang panganay na anak ni JC noong May 2018. At nalantad lamang sa publiko na isa nang ganap na ama si JC, matapos ang dalawang buwan. Isinapubliko nga ng aktor, na isa na siyang ganap na ama sa kanyang panganay sa pamamagitan ng isang post sa social media noong July 2018.

error: Content is protected !!