Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Pamamasyal Ng Mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff Sa Paris Kasama Ang Kanilang Anak Na si Baby Dahlia

Tila nga sinusulit ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff ang bawat sandaling kasama nila ang kanilang anak na si Dahlia Amelie. Kaya naman, walang pinapalampas na sandali ang mag-asawa kung saan nga sa bawat lakad nilang mag-asawa ay kasama nila ang kanilang anak.

At kamakailan lamang nga, ay muli na namang nasilayan ang pamilya nina Anne at Erwan kasama si Baby Dahlia sa kanilang masayang pamamasyal sa Paris. Ito naman ang unang pagkakataon na nakasama nina Anne at Erwan ang kanilang anak na si Dahlia sa kanilang masayang travel adventure sa European city.

Sa kani-kanilang Instagram account ay ibinahagi ng celebrity couple ang ilang video at larawan na kuha sa kanilang bakasyon sa Paris.

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Anne ang maikling video kung saan makikita ang paglalakad ng ni Dahlia sa park hanggang sa pagkain nila sa isang restaurant ng magkasama. Makikita nga na enjoy na enjoy ang munting bata sa kanilang pamamasyal. Bukod naman sa ganda ng tanawin, ay hindi naman maikakaila na naenjoy ng kanilang pamilya ang masaya nilang bonding moments.

Dahil nga, isa rin ang kanilang pamilya sa talagang sinusubaybayan ng publiko, lalo na nga ang nag-uumapaw na kacutan ni Baby Dahlia, kung kaya’t dinagsa ng komento mula sa netizens ang post ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

“She is so cute. I love her mini trench coat, so sweet,”pahayag ng isang netizen.

“Amazing family bond,”komento naman ng isa.

Samantala, hindi naman nagpahuli si Erwan sa pagpost sa kanyang Instagram. Ibinahagi naman ni Erwan ang masaya nilang paglalakbay mula pag-alis nila sa Pilipinas hanggang sa makarating sila ng Europe.

“BRB. Also, jet lag is so much fun with a baby. You should try it,”pahayag ni Erwan sa kanyang post.

Sa hiwalay namang post, ay ibinahagi ni Anne na kanyang nasilayan ang ganda ng mga obra ni Thierry Mugler sa museum sa Paris.

“Feeling very lucky I got to see some iconic pieces by the master Thierry Mugler. Magnifique pieces with such specific, gorgeous details.”

Matatandaan na ang napakacute na anak ni Anne at Erwan na si Dahlia, ay isinilang ng aktres noong Marso 2020 sa Australia. At dahil nga nasa gitna ng pandemya, ay nagpasya silang doon muna mamalagi ang kanilang pamilya matapos magsilang ni Anne.

Pagtuntong naman ng taong 2021, bago sumapit ang unang taong kaarawan ni Baby Dahlia, ay nagpasya na silang umuwi ng Pilipinas upang dito ganapin ang 1st baby nito. Sa unang pagkakataon ngang nagkita ang magpinsang si Baby Dahlia at si Baby Tali, na anak ng kapatid ni Erwan na si Solenn Heusaff at asawa nitong si Nico Bolzico, ay makikita naman na naging malapit sila sa isa’t isa.

error: Content is protected !!