Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Pamamasyal ng Bagong Kapuso Aktres na si Bea Alonzo sa Los Angeles

Ang dating Kapamilya star na isa na ngayong ganap na Kapuso star na si Bea Alonzo, ay minsan nang ibinahagi sa isang panayam ang balak na magtungo sa Amerika upang magbakasyon bago pa man sumabak sa trabaho.

Credit: Bea Alonzo | Instagram

Mainit ang naging pagtanggap ng GMA Network sa aktres noong July 1 nang maging opisyal itong Kapuso. At agad ngang nasilayan si Bea sa programang Kapuso mo Jessica Soho, matapos niyang imbitahan sa kanyang farm sa Zambales ang broadcast journalist na si Jessica Soho.

Nito lamang ika-9 ng Hulyo ay lumipad na patungong Los Angeles, California ang bagong Kapuso star upang magkaroon ng masayang bakasyon bago pa man maging abala sa kanyang magiging proyekto.

Credit: Bea Alonzo | Instagram

Hindi naman nakaligtaan ni Bea na ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang kanyang masayang bakasyon. Kaya naman, sa Instagram ay sunod-sunod ang naging post ni Bea para ipasilip ang kanyang pamamasyal sa Los Angeles.

Makikita naman na sa unang araw palang niya sa Los Angeles, ay agad na ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram stories ang napakagandang morning view ng syudad pati na rin ang pagbisita niya sa isang taco restaurant.

Credit: Bea Alonzo | Instagram

Isa naman sa umagaw ng atensiyon ni Bea sa kanyang pamamasyal ay ang makitang halos hindi na nakasuot ng face mask ang mga tao roon na tila balik normal na sa kanilang pamumuhay. Pagbabahagi nga ni Bea, ay halos nabakunahan na ang karamihan sa mga taong naroon kaya naman malaya na ang mga itong mamasyal sa mga nais nilang lugar kahit walang facemask.

Hindi naman maikakaila na matapos ang mahabang panahon na hindi pagbabakasyon, ay talagang namiss ni Bea ang pagtatravel at mag-enjoy sa magagandang lugar.

Maliban sa kanyang pagbisita sa magagandang lugar na matatagpuan sa Los Angeles, ay sinubukan rin ni Bea ang kumain at tikman ang masasarap na pagkain sa iba’t ibang restaurant.

Credit: Bea Alonzo | Instagram

Pinuntahan rin ni Bea ang ilan sa mga kilalang beach sa California tulad ng pinuntahan ni Bea sa California ay Santa Monica at Malibu beach. Habang nasa Malibu beach nga, ay makikitang napakaseksi ng aktres sa suot niyang white dress na may disenyong cherry print habang nakaawra sa harap ng camera.

Ibinahagi rin ni Bea ang isang kahanga-hangang tanawin na hatid ng sunset sa Pacific Coast Highway, California. Napakarami ring selfie ang ibinahagi ni Bea sa kanyang IG stories kung saan masisilayan ang kanyang napakagandang mukha at blooming na awra.

Credit: Bea Alonzo | Instagram

Maliban nga sa pamamasyal at pagkain ng masasarap na pagkain, ay hindi rin nakaligtaang mag-enjoy sa pagsashopping ni Bea at mabili ang kanyang mga nais. Talaga nga namang makikitang masaya at nag-enjoy si Bea sa kanyang bakasyon sa Los Angeles bago pa man sumabak sa trabaho bilang artista ng Kapuso network.

error: Content is protected !!