Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Pagsasama ng Mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta sa Loob ng 10 Taon Kapiling ang Kanilang Dalawang Anak

Sino nga ba ang hindi naghahangad ng isang masayang pamilya. Ito nga marahil ang pangarap ng bawat isa sa atin, lalo na sa mga nagbabalak pa lang bumuo nh kanilang pamilya. Napakasarap naman talagang umuwi galing sa trabaho kung may isang masayang pamilya na sasalubong sayo. Sadyang nakakapawi ng pagod, at nakakaalis rin ng stress.

At siyempre ang isang pamilya nga ay binibigyan ng saya at kulay ng mga anak. Isa sa dahilan nga ng pagkakaroon ng isang masaya at matatag na pamilya, ang mga anak na ipinagkaloob ng Maykapal.

Kaya naman, ang pamilya ng TV host at aktres na si Jolina Magdangal at asawa nitong si Mark Escueta ay napakapalad sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya. At ang kanilang pagsasama nga, ay talagang pinagtibay na ng panahon.

Matapos maganap ang pag-iisang dibdib nina Jolina at Mark noong Nobyembre 2011, ngayong taong 2021 nga ay nalalapit na nilang ipagdiwang ang kanilang ika-10th wedding anniversary.

Sa loob ng sampung taong pagsasama ay makikita na puno ng pagmamahalan ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Mapalad naman si Jolina at Mark sa pagkakaroon ng dalawang anak. Ang panganay na si Pele Inigo Escueta ay isinilang ng aktres noong Pebrero 18, 2014 na ngayon ay pitong taong gulang na. At ang pangalawang anak naman na si Vika Anaya ay isinilang naman noong Mayo 28, 2018, ay malapit na ring sumapit ang ikatatlong taong kaarawan.

Samantala, sa isang panayam ay ibinahagi naman ni Jolina kung paano nila pinapalaki ang kanilang mga anak. Ayon nga kay Jolina, siya “authoritative” pagdating sa kanyang mga anak, ngunit pareho rin silang “disciplinarians” ni Mark na talagang nais lumaking mabuti ang kanilang mga anak.

Binigyang diin naman ni Jolina na napakahalaga sa isang pamilya ang magkaroon ng oras sa isa’t isa. Pagbabahagi nga ng TV host, kahit na abala siya sa kanyang trabaho at puno ang kanyang schedule ay naglalaan parin siya ng oras upang maisingit ang mga sandali para makabonding ang kanyang mga anak.

At ang masayang bonding nga ng kanilang pamilya, ay kitang-kita sa nag-uumapaw na sweet and happy moments nilang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak sa mga larawang ibinabahagi sa kanilang social media accounts.

Tunay nga na sadyang napakapalad ng pamilya ni Jolina, dahil ito’y puno ng pagmamahal at pagkakaisa.

error: Content is protected !!