Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Pagdiriwang Ng New Year Nina Vice Ganda At Ion Perez Sa Amanpulo Kasama Ang Kanilang Pamilya

Isang bongga at hindi makakalimutang New Year celebration ang hatid ng Unkabogable star na si Vice Ganda sa kanyang pamilya at sa kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Nagpasya si Vice na dalhin ang kanyang pamilya at ilang kaibigan kasama na ang kanyang “angel” na si Jacque sa napakagandang resort sa buong mundo, ang Amanpulo. At dito nga nila sasalubungin ang taong 2022 nang magkakasama.

Photo credits to the owner

Sa isang vlog na ibinahagi ni Vice nito lamang ika-10 ng Enero ay ibinahagi ang masayang kaganapan sa pagsalubong ng New Year. Magmula sa pagsakay nila sa eroplano hanggang sa makarating mala-paraiso sa gandang Amanpulo ay walang pinalampas na pagkakataon si Vice para ipasilip ito sa kanyang mga fans.

Photo credits to the owner

Pagdating nga sa Amanpulo ay talagang namangha sila sa gandang taglay nito. Ang puting buhangin, malawak na karagatan at bughaw na kalangitan ay talaga namang napakagandang pagmasdan na animo’y nasa isang paraiso. Sinulit nga nina Vice ang bawat sandali kung saan ay nag-enjoy sila sa iba’t ibang beach activities tulad ng beach volleyball at touch ball. Nag-enjoy rin sila sa pagsakay sa yate kung saan nga ay nakapag-snorkeling sila at nasilayan ang gandang hatid ng makukulay na isda sa ilalim ng dagat. Mas lalo namang nag-enjoy ang bawat isa dahil sa walang katapusan nilang kwentuhan.

Photo credits to the owner

Mapapansin naman ang kakaibang saya ng ina ni Vice na si Nanay Rosario na talaga namang hindi nagpahuli sa pagsi-swimming. Makikita naman sa vlog ang pagmamahal ni Vice sa kanyang ina na kung saan nga, ay palaging nakaalalay. Kilig naman ang hatid sa kanilang mga fans ng magkasintahang sina Vice at Ion dahil sa kanilang nag-uumapaw na kasweetan sa isa’t isa.

Photo credits to the owner

Matapos nga ang masayang bonding sa beach, ay sama-sama naman nilang pinagsaluhan ang masarap na pagkain. Pagsapit naman ng gabi kung saan nga ay ilang oras na lang ang nalalabi para salubungin ang taong 2022, ay makikitang dumalo sila sa isang party. Agaw-pansin naman ang magkasintahang Vice at Ion na makikitang nakasuot ng twinning pink floral outfit.

Photo credits to the owner

Isang bonggang dinner naman ang naghihintay sa kanila sa pagsalubong ng New Year. At nang sumapit na nga ang countdown, ay isang makulay na fireworks display ang kanilang nasaksihan. Makikita naman sa video ang pagbati nila sa isa’t isa. Kapansin-pansin naman ang pagiging malapit ni Ion sa pamilya ni Vice lalo na nga kay Nanay Rosario. Patunay lamang nga nito ang maganda nilang samahan. Makikita naman na sinulit nila ang gabi sa masayang party. Ang lahat ay talagang masaya, at nag-eenjoy sa party sa saliw ng magandang musika na sinamahan pa ng pag-inom ng wine.

Hindi naman talaga maikakaila ang pagmamahal ni Vice sa mga taong nakapalibot sa kanya kung saan nga ay gagawin ang lahat, mapasaya lamang ang mga ito. Dahil nga sa nag-uumapaw na biyaya sa buhay ni Vice, ay masaya rin niya itong ibinahagi sa kanyang mga mahal sa buhay.

error: Content is protected !!