Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Pagdiriwang Ng Ika-7th Birthday Ng Anak Ni Ara Mina Na Si Mandy

Isang mapagpalang araw ang masayang ipinagdiwang ng pamilya ng 42 taong gulang na aktres na si Ara Mina. Ito nga ay ang pagdiriwang ng ika-7th taong kaarawan ng kanyang anak na si Mandy.

At para ipagdiwang ang espesyal na araw ng kanyang anak ay isang masayang selebrasyon ang inihanda ni Ara Mina. Sa kanyang Instagram account, ay masayang ibinahagi ni Ara ang mga larawan na kuha sa masayang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak na si Mandy.

Makikita na isang napakaganda at makulay na birthday party ang inihanda ni Ara Mina para sa kanyang anak. Ang makulay na dekorasyon sa venue ng kaarawan ni Mandy ay binigyang katuparan ng Party Station. Masaya namang ibinahagi ni Ara sa social media ang magagandang larawan na kuha naman ng Nice Print Photography.

β€œYou give us a thousand reasons to smile every day.Here are some of the snippets of #MyAmandaTurns7 bday,”caption naman ni Ara Mina sa kanyang post.

Si Mandy naman talaga ang nagbibigay ng labis na kaligayahan kay Ara. Isa naman talagang napakagandang biyaya ang mapagkalooban ng panibagong buhay. Kaya naman, hindi pinalampas ng aktres ang pagkakataon na magkaroon ng masayang selebrasyon sa espesyal na araw ng kanyang anak.

Sa mga hindi nakakaalam, si Mandy o Amanda ay anak ni Ara Mina sa kanyang dating karelasyon na si Patrick Meneses. Matapos naman ng kabiguan ni Ara sa naunang pag-ibig sa piling ni Patrick, ay muli siyang umibig sa katauhan ng CEO of the Philippine International Trading Corporation (PITC) na si Dave Almarinez.

Sina Ara at Dave ay naengaged noong January 2021, at ilang buwan lamang nga ang lumipas ang ilang buwan, ay tuluyang nauwi sa pag-iisang dibdib ang kanilang pagmamahalan. At noong ika-30 ng Hunyo ay nasaksihan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Ang mala-fairy tale sa gandang dream wedding ni Ara Mina, ay naganap sa Baguio City.

Marami naman ang naantig sa kanilang madamdamin at puno ng pagmamahalang palitan ng kanilang pangako at sumpaan sa isa’t isa. Nasaksihan nga ng kanilang mga bisita na ang kanilang pagmamahalan ay tunay at wagas.

 

Maliban sa pagiging isang matagumpay na businesswoman, si Hazel Pascual Reyes-Almarinez o may kilala ng lahat bilang si Ara Mina, ay isa ring mahusay na aktres. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong dekada 90 sa edad na 14 taong gulang. Nagsimula siya sa youth-oriented show na That’s Entertainment. Kalaunan, ay mas lalong nakilala si Ara Mina ng publiko dahil sa kanyang husay sa pag-arte.

Napabilang rin siya sa mga magaganda at seksing aktres ng kanyang henerasyon at nabansagan pang isa sa mga pantasya ng bayan. Hanggang sa kasalukuyan, ay patuloy na namamayagpag ang karera ni Ara Mina sa industriya ng showbiz.

error: Content is protected !!