Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Pagdiriwang ng Ika-11 Taong Karawan ng Anak Nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na Si Lucho

Marami ang humahanga sa mag-asawang sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa pagiging masipag, responsable at mapagmahal na mga magulang sa kanilang mga anak. Kahit nga, laging abala sa kani-kanilang trabaho, idagdag pa ang kanilang restaurant business na Angrydobo, ay hindi naman nagkukulang ang mag-asawa na iparamdam sa kanilang mga anak ang kanilang labis na pagmamahal.

Sina Ryan at Juday ay ikinasal noong April 28, 2009 sa San Juan Batangas sa pamamagitan ng isang private wedding ceremony na naganap sa San Juan de Nepomuceno Church. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang supling, sina Lucho at Luna. Ngunit, bago pa man dumating sa buhay ni Juday si Ryan, ay pinapasaya na ang aktres ng kanyang adopted child na si Yohan. Ngayon nga, ay talagang mababakas sa mag-asawa kasama ang kanilang tatlong anak ang isang napakasayang pamilya na punong-puno ng pagmamahalan.

Hindi naman pinapalampas ng mag-asawang Ryan at Juday, ang bawat selebrasyon sa loob ng kanilang tahanan katulad na lamang nga ng pagdiriwang ng kaarawan. At nitong nakaraang Oktubre 7, ay may espesyal na selebrasyon sa loob ng tahanan nina Juday, ang ika-11 taong kaarawan ng kanilang anak na si Lucho.

Masayang ibinahagi ni Juday sa Instagram ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ni Lucho. At makikita nga na talagang pinaghandaang mabuti ang espesyal na araw na ito ni Lucho magmula sa dinner-set up na siyang makikita sa ibinahaging larawan ni Juday

Makikita rin sa ibinahaging video na kuha sa venue ng masayang selebrasyon ang masasarap na pagkain. At ito nga ay request mismo ni Lucho mula sa Wolfgang’s Steak. Hindi naman maikakaila ang saya sa mukha ng kanilang pamilya na ipagdiwang ang kaarawan ni Lucho.

Maliban naman sa masaya nilang salo-salo, ay ipinakita rin ni Juday ang natanggap na regalo ng kanyang anak para sa birthday nito. At makikita na ito’y naglalaman ng nauuso ngayong Dalgona candies, na siyang nakilala ng marami dahil sa sikat na South Korean series na Squid Game.

Kitang-kita naman talaga sa video ang kasiyahan ni Lucho, at maging si Juday ay talagang masaya ring makita ang masayang ngiti sa mukha ng kanyang anak.

Bukod naman sa masayang selebrasyon ng kaarawan ni Lucho, ay hindi rin nakalimutan ni Juday na ipaabot ang kanyang mensahe ng pagbati sa kanyang anak na talagang mababakas ang labis na pagmamahal.

“My sweet, sweet boy… Now I know I must have done something super good, to deserve such an awesome, kind-hearted, smart, funny, compassionate, understanding. (I could go on and on my love) human being. You are so love by many..happy 11th my sweet love.”

error: Content is protected !!