Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Pagdiriwang ng 37th Birthday ni John Prats At Dedication ng Kanilang Bunsong Anak ni Isabel Oli na si Baby Forest

Nito lamang ika-14 ng Pebrero, araw ng Linggo, ay hindi lamang isa, kundi dalawang masayang selebrasyon ang ipinagdiwang ng pamilya ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli.

Ang double celebration na ito, ay ang pagdiriwang ng 37th birthday ng aktor na si John Prats at kasabay nito ang Christian dedication ng kanilang bunsong anak ni Isabel na si Baby Forest.




Sa kanilang Instagram, ay ipinasilip ng celebrity couple ang masayang kaganapan sa pinag-isang espesyal na pagdiriwang ng kanilang pamilya. Ang espesyal na selebrasyong ito ay ginanap sa garahe ng kanilang tahanan.

“Last Sunday was definitely a milestone for us, the Pratties, since we’re so used to big gatherings when it comes to major celebrations. We held a simple birthday gathering for my hubby @johnprats, and we dedicated our youngest, @forestprats, to the Lord.”

Ayon nga kay Isabel, ay katulad rin noong nakaraang taon ang kanilang ginawang selebrasyon. Matatandaan kasi na kasabay rin ng kaarawan ni John ang gender reveal party para sa bunsong anak nila. At ngayon nga, ay kasabay naman ng kaarawan ni John ang dedication ni Baby Forest kasama ang kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

“Around this time last year, we also celebrated my husband’s birthday and baby gender reveal at the same time with our other loved ones and friends. This time though it’s just us. A bit quieter but still grateful that we get to celebrate together as a family.”

Pinasalamatan rin ni Isabel ang pamilya Prats at Quiambao sa ipinakitang suporta sa kanilang simple ngunit masayang pagdiriwang.




Samantala, nagbahagi rin ang aktor na si John Prats ng larawan sa Instagram, kung saan kasama niya ang anak na si Baby Forest. Nilakipan naman ito ng caption ng aktor na:

“Welcome to the Kingdom and family of God, little one. Angels are rejoicing today at your Christening and so are we. Many blessings as you grow in the Lord. May His love never leave you. We love you so much @forestprats ❤️.”

Matatandaan na ikinasal sina John at Isabel noong taong 2015 kung saan ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng tatlong anak. Ang panganay na si Feather, pangalawa na si Freedom at bunsong si Forest na isinilang ni Isabel noong Hulyo 2020.

error: Content is protected !!