Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Pagdiriwang ng 1st Birthday Ng Anak Ni Janella Salvador Na Si Baby Jude na Nagkaroon ng “The Boss Baby’-themed Birthday Party

Sa pagdating ng panganay na anak ng aktres na si Janella Salvador, ay talagang malaki ang nabago sa kanyang buhay. Ang kanyang buhay na pinapasaya ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson ay lalo pang nabigyang saya at kulay sa pagdating ng kanilang anak na si Baby Jude.

Matatandaan na noong ika-20 ng Oktubre 2020 nang isilang ni Janella ang napakacute nilang anak ni Markus na si Baby Jude. At sa mabilis na paglipas ng panahon, ang malusog na sanggol na isinilang ni Janella ay nagdiwang kamakailan ng kanyang 1st birthday.

Nito lamang ika-21 ng Oktubre, ay ibinahagi sa Instagram ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio ang ilang larawan na kuha sa masayang pagdiriwang ng 1st birthday ni Baby Jude. At makikita nga na nagkaroon ng isang The Boss Baby”-themed birthday celebration ang napakacute na si Baby Jude.

Makikita naman sa mga larawan na karamihan sa miyembro ng kanilang pamilya at kaibigan ay dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Jude. Kabilang na nga rito ang ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador. Makikita rin na dumalo sa espesyal na araw ng kanyang pamangkin ang kapatid ni Janella na si Patrick Sugui.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jenine Desiderio (@j9desire)

Sa hiwalay namang post sa Instagram, ay makikitang ibinahagi rin ng aktres na si Erich Gonzales ang ilang larawan kasama si Baby Jude kalakip ang kanyang mensahe ng pagbati. Si Erich ay isa sa tumatayong ninang ni Baby Jude, kaya naman hindi nito pinalampas ang pagkakataon na makadalo sa 1st birthday ng kanyang inaanak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)

Maliban naman sa masayang pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Jude sa kanilang tahanan kapiling ang mga taong nagmamahal sa kanya, ay nagkaroon rin siya ng isang “The Boss Baby”-inspired photoshoot.

Samantala, isa namang sweet at puno ng pagmamahal na video ang ibinahagi ni Markus sa Instagram para sa kaarawan ni Baby Jude. Makikita sa black and white video ang milestone ni Baby Jude magmula nang isilang ito hanggang sa ngayong isang taong gulang na. Isa sa makikita sa video ay ang unang beses nilang nakita at nakasama ang isa’t isa. At ito nga ang sandaling masaya nilang sinalubong ni Janella si Baby Jude, kung saan ay agad niyang kinarga si Baby Jude.

Hindi naman maikakaila na masayang-masaya si Markus sa pagdating ni Baby Jude sa buhay nila ni Janella, at ayon pa kay Markus, si Baby Jude ang nagsisilbi niyang “pride and joy”.

“Jude at 1. Blows my mind that this year has gone by so [quickly], what a journey it’s been not just for us but the whole world. Happy birthday, my son, my boy, my pride and joy.”

error: Content is protected !!