Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Kulitan ng Pamilya ng Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia Kasama ang Kanilang Napakacute na Anak na si Baby Amari

“Pamilya”, isang salita ngunit napakaraming kahulugan. Marahil, para sa iba, ay ito ang bumubuo ng kanilang tahanan. May ilan naman, na ang pamilya ang kanilang nagsisilbing inspirasyon upang patuloy na mabuhay sa mundong ginagalawan. Masasabi nga na sa pamilya na umiikot ang mundo ng bawat isa.




Napakasarap nga naman talagang mabuhay sa mundo, kapag kasama ang mga taong nagmamahal sa atin. Sa tuwing nakakaranas ng problema, ay tanging ang pamilya ang nagiging takbuhan natin. At kung kaligayahan naman, ay hindi rin matatawarang kaligayahan ang hatid nito sa atin lalo na kapag sama-sama at buo ang pamilya.

Photo credits: Billy Crawford | IG

Isang biyaya nga ang magkaroon ng isang masayang pamilya. Ang bawat masasayang sandali kasama ang pamilya, ay talagang nilalasap natin. Lalo naman na kapag kasama ang mga anak na siyang nagbibigay saya at kulay sa pamilya.

Para nga sa aktor at TV host na si Billy Crawford, “family is everything”. Ito nga ang pahayag ni Billy sa kanyang Instagram post. Saad pa nga nito, “Thank You Jesus”. Tunay nga na ang pamilya ay lahat lahat, na hindi mabibili ng anumang halaga at dapat pasalamatan sa Panginoon.

 

At para kay Billy ang ipagkaloob sa kanya ang isang napakabuting asawa na tulad ni Coleen, at napakacute na anak na si Baby Amari, ay isang napakalaking biyayang dapat ipagpasalamat sa Diyos.

Photo credits: Billy Crawford | IG

Talaga namang mahal na mahal ni Billy ang kanyang mag-ina na nagsisilbi niyang inspirasyon at siya ring nagpapaikot ng kanyang mundo. Hindi maitatanggi ng mga larawang ibinahagi ni Billy sa Instagram kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya. Makikita nga sa larawan ang kanilang masayang bonding moments kung saan masisilayan ang kanilang mga ngiti.




Hindi naman maikakaila na napakapalad ng mag-inang Coleen at Baby Amari, sa pagkakaroon ng padre de pamilya na tulad ni Billy na isang mapagmahal at responsableng haligi ng tahanan.

Photo credits: Billy Crawford | IG

Masisilayan sa mga larawan ang isang masaya at punong-puno ng pagmamahal na pamilya ni Billy. Kaya naman, maging ang mga netizens ay napahanga at nagbigay ng kanilang mga reaksyon.

“Iba kapag si Lord ang center ng relasyon at pmilya tignan mo to ang strong talaga si Jesus kasi foundation kaya na eenjoy nila ang kanilang relasyon at pamilya.”

“Super cute and healthy.💖😊 manang mana si amari sa kanilang dalawa talaga”

“Cute Ang baby.ngo..happy family.enjoy.”

“Grabe talaga si bil at coleen since then fan na fan talaga nila ako. Bicol at its finest mas masaya ngaun anjan na si amari happy family talaga kayo sana all”




error: Content is protected !!