Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Buhay Ngayon ni ‘Super Inggo’ na si Makisig Morales Kapiling ang Kanyang Model-beauty Queen Wife na si Nicole Joson

Sino nga ba ang makakalimot sa batang superhero ng telebisyon na si Super Inggo? Ito nga ay ginampanan ng mahusay na child star na si Makisig Morales. Pinahanga at pinabilib ni Makisig ang kanyang mga tagahanga sa husay niya pagdating sa pag-arte.

Ngunit, ang batang hinangaan natin noon ngayon nga ay isa nang butihing asawa sa kanyang model-beauty queen wife na Nicole Joson na masayang naninirahan sa Australia.

Hindi maikakaila na talagang napatibok ni Makisig ang puso ni Nicole dahil ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa palitan ng kanilang sumpaan sa isang simpleng seremonya na naganap sa Sydney, Australia noong Enero 9, 2019.

Matatandaan na inamin ni Makisig sa isang TV interview noong 2020, na isa siyang selosong tao. Ngunit, ang nawala umano ito nang maikasal sila ni Nicole. Ibinahagi naman ni Makisig na magmula ng maikasal siya kay Nicole, ay doon nga siya nag-matured at natuto ring magmahal ng lubusan at magtiwala. Samantalang si Nicole naman, kailanman ay hindi sumagi sa kanyang isip na maghihiwalay sila ni Makisig, dahil alam niya na mahal na mahal siya nito.

Ngunit bago sila maikasal at maging ganap na mag-asawa, ay may kanya-kanya silanh pinagkakaabalahan. Si Nicole nga ay kilala bilang Miss Earth Australia Charity 2017 at New South Wales (NSW) State Finalist for Miss World Australia 2017. Samantalang si Makisig naman ay napag-alaman ayon sa ilang ulat na isa siyang aspiring chef sa Challenger TAFE-Beaconsfield sa Australia.

Noong Setyembre 2018 naman nang hingin ni Makisig ang kamay ni Nicole upang maging kabiyak niya habang buhay. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Nicole ang larawan ng kanyang engagement ring at nilakipan ng caption na:

“Fight for the fairy tale it does exist.”

Makikita naman sa Instagram ng bawat isa ang matamis nilang pag-iibigan sa kanilang mga sweet photos. Masisilayan nga ang kanilang kasweetan sa kanilang masayang bonding moments.

Para naman kay Makisig ay isang biyayang maituturing ang pagdating ni Nicole sa buhay niya dahil ito ang nagbigay saya at kulay sa kanyang mundo. Talagang masayang-masaya si Makisig dahil ang babaeng mahal na mahal niya ay kabiyak na niya ngayon.

“I did not look for love, but instead love found me and brought me back to him. [pointer emoji] I am grateful to be your other half my love. I love you @_nicolejoson_[heart, inlove, kissing couple emojis]”

At para kay Nicole ay si Makisig na ang perpektong asawa sa buhay niya. Dahil ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki, ay natagpuan niya sa katauhan ni Makisig.

“Marry the man whose love is like God’s: faithful, eternal, and steadfast. This kind of love sticks through the hardest moments and buoys you through every storm. It’s a slow love, mundane in its dailyness. But it’s the kind of love you wake up to every morning… because you can trust that it will still be there.I am yours and you are mine. @makisig228”

Ngayon nga ay dalawang taon nang masayang nagsasama bilang mag-asawa sina Makisig at Nicole.

error: Content is protected !!