Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Buhay Ngayon Ng Dating Reporter Ng GMA Network Na Si Rhea Santos Sa Canada

Sa loob ng 19 na taon ay naging tahanan ng news personality na si Rhea Santos ang GMA Network. Sa GMA na nga ginugol ni Rhea ang kanyang karera kung saan ay pinatunayan niya ang kanyang husay bilang TV host at broadcast journalist. Madalas natin siyang mapanood noon sa daily morning show ng GMA na Unang Hirit.

CREDITS: Rhea Santos| IG

Ngunit, matapos ang maraming taong pananatili sa GMA sa kabila ng kanyang matagumpay na karera, ay nagpasaya siyang lisanin noong August 2019, ang GMA at Unang Hirit para lumipad patungong Vancouver Canada kasama ang kanyang pamilya. At ang nais nga ni Rhea ay mag-aral muli para sa mas magandang oportunidad sa kanyang career. Siya ay kumuha ng Broadcast and Online Journalism sa British Columbia Institute of Technology.

CREDITS: Rhea Santos| IG

Kahit naman nasa ibang bansa na kasama ang kanyang pamilya, ay patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng mga larawang kanyang ibinabahagi sa social media. Patuloy rin ang pagbabahagi ni Rhea ng mga video na mapapanood sa kanyang YouTube Channel patungkol sa kanyang personal na buhay.

CREDITS: Rhea Santos| IG

Makikita nga na sa pag-migrate ni Rhea kasama ang kanyang asawa at mga anak sa Canada, ngayon nga ay unti-unti na rin silang nag-aadjust sa panibagong buhay nila roon. At sa ganda nga ng lugar, ay agad namang nabighani si Rhea. Nagsisimula na rin silang libutin ang magagandang pasyalan doon at makikita nga na talagang enjoy na enjoy ang kanilang buong pamilya.

CREDITS: Rhea Santos| IG

Sa isang panayam, ay ibinahagi nga ni Rhea ay ibinahagi niya ang maganda at masayang buhay ngayon ng kanilang pamilya sa Vancouver.

“There are so many reasons to love this place. People are warm and kind and made us feel at home.”

“We love exploring the outdoors. It’s a perfect place for families who love to do outdoor activities.”

“I have two active and growing boys and it has been awesome bringing them up here and witnessing how they are slowly becoming independent.”

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Rhea sa social media na binisita nila ang mga lugar sa Vancouver tulad ng Morton Park, Stanley Park, Garry Point Park, at Vancouver Art Gallery.

CREDITS: Rhea Santos| IG

Samantala, noong May 2021 ay isang magandang balita ang hatid ni Rhea sa kanyang mga tagahanga matapos niyang ibahagi na natapos na niya ang kanyang 2-year course na Broadcast and Online Journalism program sa British Columbia Institute of Technology (BCIT). At ngayon, ay matagumpay na ang kanyang karera sa Canada bilang news anchor ng news program na Omni News.

CREDITS: Rhea Santos| IG

Si Rhea ay ikinasal sa kanyang asawang businessman at Hotshots Burger chain owner na si Carlo de Guzman noong September 17, 2004. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawnag anak, sina Uno at Yuan.

CREDITS: Rhea Santos| IG

Matatandaan naman na ilan sa mga programa na nating host si Rhea, maliban sa Unang Hirit ay Frontpage, At Your Service-Star Power, Eat Bulaga, Pinoy Abroad at News On Q, Draw The Line at Documentaries.

error: Content is protected !!