Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Buhay ng Dating Aktres na si Paw Diaz Bilang Working Mom at Vlogger Sa Singapore

Naalala niyo pa ba si Paw Diaz? Siya ay unang nasilayan sa reality talent show ng ABS-CBN na Star Circle Quest noong 2004 sa edad na 17 kung saan ay napabilang lamang siya sa Top 15, at hindi pinalapad na makapasok sa Top 10. Ngunit, dahil sa ‘wild card’ kung saan ay nagtamo siya ng maraming text vote mula sa mga viewers, ay nabigyan siya ng pagkakataong muling makabalik ng kompetisyon. At sa huli nga, ay napabilang sa Magic Circle of Five at nakuha ang ikatlong pwesto, samantalang ang naging Grand Teen Questor naman ay ang sikat na aktres ngayon na si Erich Gonzales.

Matapos ang kompetisyon sa SCQ, ay muli namang sumabak si Paw sa isa pang reality show noong 2005, ang QPIDS kung saan ang mga kalahok ay pawang mga artista ng ABS-CBN.

Photo credits: Paw Diaz | IG

Tumatak naman sa publiko ang mga proyektong ginampanan ni Paw sa telebisyon kung saan ay talagang ipinamalas ang kanyang husay sa pag-arte. Ilan na nga rito ang “Magkano Ang Iyong Dangal?” noong 2010 na pinagbidahan ni Bangs Garcia. Naging leading lady naman siya ng aktor na si Rafael Rosell sa Precious Hearts Romances: The Substitute Bride. At matapos nga nito, ay naging bahagi naman siya ng teleseryeng Maria la del Barrio na pinagtambalan nina Erich Gonzales at Enchong Dee. Dito naman ay naging kontrabida siya sa buhay ni Erich upang gawing miserable ang buhay nito.

Photo credits: Paw Diaz | IG

Ngunit, marami ang ginulat ni Paw dahil sa kalagitnaan ng teleseryeng Maria la del Barrio, ay bigla na lamang niyang iniwan ang proyekto at pati narin ang showbiz. At ayon nga sa ulat ng Pep.ph, ang dahilan ng kanyang biglaang pagkawala sa showbiz, ay dahil ikakasal siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Fabian Sandoval. Bago pa man nga tanggapin ni Paw ang offer sa kanya noon, ay naka-schedule na raw ang kanilang kasal at alam umano ito ng management.

Photo credits: Paw Diaz | IG

Noong 2011 nga, ay ikinasal na sina Paw at Fabian at nagpasyang umalis ng bansa upang manirahan sa Singapore. Ang kanilang pagsasama, ngayon nga ay masayang-masaya kapiling ang kanilang dalawang anak na bunga ng kanilang pagmamahalan.

Photo credits: Paw Diaz | IG

Samantala, matapos lisanin ang buhay sa industriya ng showbiz, ngayon nga ay abala si Paw sa kanyang buhay bilang isang butihing maybahay at hands on mom ng kanyang mga anak. Ang kanyang dalawang anak ay sina Lucas, 6 na taong gulang at Daniela, 2 taong gulang. Maliban naman sa pagiging isang work from home mom bilang business data analyst for financial institutions na trabaho parin niya hanggang ngayon, ay sinubukan rin umano ni Paw ang pasukin ang mundo ng showbiz sa Singapore kung saan ay nagkaroon rin siya ng ilang mga proyekto.

Photo credits: Paw Diaz | IG

Isa ring hands on mom si Paw sa kanyang mga anak. At dahil nga, naka-work from home siya ngayong pandemya, ay mas marami siyang oras sa kanyang pamilya at mga anak. Isa rin sa pinagkakaabalahan ni Paw ngayon habang nasa loob ng kanilang tahanan, ay ang vlogging na sinimulan pa niya noong 2019. Sa mga video ay madalas ibahagi ng dating aktres ang mga kaganapan sa buhay niya ngayon sa Singapore.

Photo credits: Paw Diaz | IG

Tila natagpuan naman ni Paw ang kaligayahan sa buhay niya ngayon kapiling ang kanyang pamilya. Isang buhay na bagama’t malayo sa showbiz, ay punong-puno naman ng saya at pagmamahal na hatid ng kanyang pamilya.

error: Content is protected !!