Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Buhay ng Aktres na si Empress Schuck Sa Piling ng Kanyang Mapagmahal na Asawa at Anak

Si Empress Karen Carreon Schuck-Guingona sa tunay na buhay, at kilala naman ng publiko sa industriya ng showbiz bilang si Empress Schuck, ay isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz. Nasaksihan na ng publiko ang buhay ni Empress mula sa pagiging isang child star hanggang sa pagiging isang napakaganda at talentadong aktres sa showbiz.

Credit: Empress Schuck Guigona | Instagram

Nagsimula ang karera sa showbiz ni Empress bilang modelo ng vaseline sa edad na pitong taong gulang noong 1999. At noong taong 2000 nga, ay nadiskubre na siya ng ABS-CBN at tuluyan ng pumasok sa mundo ng showbiz.

Naging matagumpay ang karera ni Empress sa showbiz, kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte. Sa pagdagsa ng mga proyekto sa kanyang karera, ay mas lalong nakilala at napatunayan ni Empress na bukod sa angking ganda ay hahangaan rin ang kanyang husay bilang isang artista.

Credit: Empress Schuck Guigona | Instagram

Ilan nga sa mga proyektong tumatak sa puso ng bawat manonood ay ang teleseryeng “Super Inggo,” “Rosalka” at “Mundo Man Ay Magunaw.” Ang huli niyang naging teleserye ay “Huwag Ka Lang Mawawala” kung saan nakasama niya sina Judy Ann Santos, Sam Milby, KC Concepcion, at John Estrada noong 2013.

Credit: Empress Schuck Guigona | Instagram

Sa kabila ng matagumpay na karera sa showbiz ni Empress ay nagpasya siyang lisanin ito upang mamuhay ng masaya sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang isang ina. Noong April 2015 nang ianunsiyo ni Empress ang kanyang pagbubuntis nang mag-guest sa isang TV show. At kinumpirma ng aktres na ang ama ng kanyang dinadala ay si Vino Guingona, na apo ni Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin naman ni Senator Teofisto Guingona III.

Tila natagpuan naman ni Empress ang hinahanap na kaligayahan sa piling ng kanyang mahal na si Vino, na ama ng kanilang anak na si Athalia. At makikita naman na talagang mahal na mahal ni Empress ang “Spartan” ng buhay niya.

Credit: Empress Schuck Guigona | Instagram

Noong September 2020 nga ay inalok na ng kasal ni Vino si Empress upang patunayan ang kanyang pag-ibig, at para makasama habang buhay. Ang engagement nilang dalawa ay naganap sa mismong araw ng ika-5th birthday ng kanilang anak na si Athalia. Hindi na nga pinalampas ng mag-fiancee ang mamuhay ng masaya, at noong March 6, 2021 ay naganap na nga ang kanilang pag-iisang dibdib sa Hillcreek Gardens sa Tagaytay, Cavite.

Credit: Empress Schuck Guigona | Instagram

Hindi maipagkakaila na masayang-masaya ngayon si Empress sa piling ng kanyang pamilya na binubuo ng kanyang mapagmahal na asawa na si Vino at mabuti at mapagmahal ring anak na si Athalia, na namana ang kanyang kagandahan.

error: Content is protected !!