Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Buhay Ng Aktor na si Joross Gamboa Bilang Padre De Pamilya

Ang aktor na si Joross Gamboa ay ilang ulit na nating nasaksihan ang kanyang husay sa pag-arte mapa-teleserye man o pelikula. Unang nakilala si Joross sa industriya ng showbiz matapos maging 2nd runner sa reality talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Magmula nga noon ay hindi nga binigo ni Joross ang kanyang mga tagahanga para mas lalo pa niyang ipakita ang kanyang kakayahan bilang isang mahusay na artista.

Credits: Joross Gamboa | IG

Nagsimulang umusbong ang karera ni Joross sa ABS-CBN, ngunit hindi nagtagal ay nagpasya na itong lumipat sa GMA Network kung saan nga ay dito na niya ginugol ang buong career niya sa showbiz. Mabilis na namayagpag ng karera ni Joross sa showbiz, kung saan nga ay nagbukas ang pinto ng iba’t ibang oportunidad sa kanyang karera na dahilan ng kanyang tinatamasang tagumpay ngayon.

Sa paglipas ng panahon ng kanyang matagumpay na karera, ay nagpasya namang maging freelancer artist si Joross kung saan nga ay may kalayaan siyang mapanood sa iba’t ibang istasyon ng TV Network. Hindi lamang nga isang talentadong aktor si Joross, kundi isa ring mahusay na komedyante na nagbibigay saya sa kanyang mga tagasuporta.

Credits: Joross Gamboa | IG

Tulad rin ng ibang kilalang personalidad sa showbiz, ay nakatagpo rin si Joross ng isang katuwang sa buhay na magbibigay sa kanya ng kaligayahan. Ito nga ang kanyang asawa na si Kath Gamboa na kilala bilang dating commercial at ads model.

Ang kanilang masayang pagsasama ay mas lalo namang pinasaya at binigyang kulay ng kanilang dalawang anak na lalaki. Kapansin-pansin naman sa misis ni Joross na si Kath, na kahit may dalawa na itong anak ay masisilayan sa awra nito ang walang kupas na kagandahan kung saan nga ay blooming at fresh na fresh parin.

Credits: Joross Gamboa | IG

Samantala, noong nakaraang buwan ng Mayo nang ipagdiwang ng pamilya ni Joross ang kaarawan ng kanyang asawang si Kath kung saan ay isang sweet na pagbati ang kanyang ipinaabot sa kanyang maybahay sa pamamagitan ng isang Instagram post. Kalakip ng mensahe ni Joross, ay ang mga larawan na kuha sa simple ngunit masayang selebrasyon ng birthday ni Kath.

Credits: Joross Gamboa | IG

Napakaganda naman talagang pagmasdan ang larawan ng kanilang pamilya, kung saan nga ay masisilayan ang isang masayang pamilya na puno ng pagmamahal. Agaw pansin naman sa mga larawan ang dalawang anak na lalaki nina Joross at Kath na cute na cute sa kanilang suot na checkerd polo habang nakaharap sa camera.

Proud na proud rin si Joross sa taglay na kagandahan ng kanyang asawa. Kaya naman, ibinida rin niya ang larawan nito kung saan ay makikitang lutang na lutang ang kagandahan nito sa suot na printed blue dress na binagayan pa ng suot niyang happy birthday headband. Masisilayan nga na sadyang napakaganda nito kahit na may dalawa ng anak.

error: Content is protected !!