Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Bonding sa Amerika ng Aktres na si LJ Reyes Kasama ang kanyang Dalawang Anak na si Aki at Summer

Pinatunayan ng aktres at celebrity mom na si LJ Reyes na kahit anumang pagsubok ang dumating sa kanyang buhay ay kayang-kaya niya itong lampasan alang-alang sa kanyang dalawang anak na sina Aki at Summer.

Mahigit isang buwan na ang nakalipas magmula nang mapabalita ang paghihiwalay ng aktres na si LJ Reyes at dati nitong nobyo na si Paolo Contis. Ang kanilang matamis na pag-iibigan na nagbunga ng isang supling na babae, ay nagwakas matapos ang anim na taong pagsasama.

Marami nga ang talagang nalungkot sa kinahinatnan ang relasyon nina LJ at Paolo. Ngunit sa kabila nito ay mas pinili ng aktres na maging matatag, at ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang dalawang anak. Sina Aki at Summer ang nagbibigay ng lakas loob at katapangan kay LJ para malampasan nga ang matinding pagsubok na kanyang kinakaharap.

Matapos lamang ang kanilang hiwalayan ay agad namang lumipad patungong New York si LJ kasama ang kanyang dalawang anak na sina Aki at Summer para magsimula ng panibagong buhay. At dito nga, ay mas pinili ng aktres na ilayo sa gulo ang kanyang mga anak para protektahan ang mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Hindi naman maikakaila na sa pananatili ni LJ sa ibang bansa, ay makikita naman na unti-unti na siyang nakakabangon sa sakit na dulot ng paghihiwalay ni Paolo. Naging sentro ng atensyon si LJ sa social media matapos niyang ibahagi ang kanyang magagandang litrato. Patunay nga lamang nito, na kahit may pinagdadaanan ay kaya niyang umawra at ipakita ang kanyang natatanging kagandahan.

Maliban naman sa kahanga-hangang OOTD ni LJ na nagpalutang ng kanyang kagandahan, ay masaya ring ibinahagi ng aktres sa kanyang social media ang kanilang family photoshoot. At kamakailan lamang nga, ay marami ang natuwa sa mga tagahanga ni LJ na makitang masaya ang aktres kapiling ang kanyang dalawang anak habang nag-eenjoy sa ibang bansa. Ang kanilang masayang family photoshoot ay kuha mismo sa kanilang family restaurant sa Brooklyn Newyork, ang ‘The Buren’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Hindi nga maikakaila na masisilayan sa kanilang litrato ay isang masaya at puno ng pagmamahalang pamilya. Napakaganda ring pagmasdan ng litrato nina LJ lalo na nga’t talagang malapit sila sa isa’t isa. Wala man silang kasamang padre de pamilya sa litrato, ay sapat nang makita ang masayang ngiti ni LJ at ng kanyang mga anak para ilarawan ang kanilang kaligayahan ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Samantala, matatandaan naman sa isang panayam kay Boy Abunda isiniwalat ni LJ ang tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Paolo. Habang nasa New York si LJ at ang kanyang mga anak, ay sinagot rin niya ang mga katanungan ng netizens kung may plano pa silang bumalik sa Pilipinas o kaya naman ay manirahan na lamang sa New York.

“I’m thinking life one day at a time. Ang hirap po magsalita na hindi, dito na lang ako [sa New York], or oo babalik ako [sa Pilipinas], or oo pagbalik ko I will be back in showbizness. Hindi ko po alam what’s gonna happen.”

error: Content is protected !!