Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Bonding Moments ni Coleen Garcia at Billy Crawford sa 4 Months Old Baby nila na si Baby Amari

Magmula ng isilang ng aktres na si Coleen Garcia noong Setyembre 10, 2020 ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Billy Crawford, na si Baby Amari, ay tila napakalaki ng nabago sa buhay ng mag-asawa. Dahil ngayon nga, ay nakatuon ang atensyon at pagmamahal ng celebrity couple sa kanilang napakacute na 4 months old baby boy na si Baby Amari.

Tila naman napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil ang isinilang na sanggol noon ni Coleen ay apat na buwang gulang na nga ngayon. Hindi naman maikakaila na talagang proud na proud ang celebrity couple sa kanilang anak. At ang first time mommy na si Coleen, ay walang makakapigil upang ibahagi ang milestone, at masayang kagapanan sa buhay nilang mag-asawa kasama si Baby Amari.




At kamakailan nga, ay ibinahagi ni Coleen sa Instagram ang kuha ng larawan ng kanyang mag-amang Billy at Baby Amari habang masayang namamasyal. Sa litrato, masisilayan na nakasakay si Baby Amari sa stroller habang tulak-tulak ng kanyang Daddy Billy. Kaibig-ibig nga namang pagmasdan ang larawan ng mag-ama, kung kaya’t hindi pinalampas ni Coleen ang pagkakataon na makunan ng larawan ang kanyang mag-ama.

Nilakipan naman ito ni Coleen ng caption na:

“It was the perfect day for a stroll 🌞 Happy fourth month, my baby Amari! 💙 #bugaboobee5 #beeinthecity #mybugaboostyle”

Agad namang napukaw ang atensyon ng mga netizens sa naturang post ni Coleen at binati si Baby Amari.

“Happy 4th month, baby amari.”

“Happy 4th month bebe. Stay cutieee everyday”

Samantala, matatandaan naman na bago ipagdiwang ang 4th month ni Amari, ay ibinahagi na ni Coleen ang mga nakakatuwang milestone ng kanyang anak. Sa Instagram account ni Coleen, masisilayan ang mga nakakaaliw na video at nag-uumapaw sa kacutan na larawan ni Baby Amari.

Katulad na lamang nga ng video na ibinahagi ni Coleen habang nakikipaglaro ito kay Tamomo, ang alagang aso ng mag-asawa. Sa caption ng kanyang post, ay nagkwento si Coleen na marunong nang mag-roll mag-isa si Baby Amari gamit ang tiyan nito. Natutunan na rin raw nitong laruin ang paborito nitong laruan na kapag pinindot ay umaawit. Dahil dito, ay hinayaan na umano ng aktres na mahawakan at makipaglaro ito kay Tamomo.




“Amari had a big day today! He rolled to his belly unassisted for the first time, and then he just kept doing it every time I put him on his back. 😄 He also figured out that pressing the buttons on his favorite toy is what gets it to sing. So as a little treat, I finally allowed him to touch @ms.tamomo, also since his hands are not balled into fists anymore. 🥰 He’s also teething now. Haaayy, this little man is growing so fast! Can’t believe he’ll be four months old in five days.”

Maliban nga rito, ay proud ring ibinahagi ng aktres na nagsisimula nang lumitaw ang mga ngipin ni Baby Amari.

Sa isang Instagram post nga ng aktres mapapanood na may kagat-kagat na teether si Baby Amari. At tuwang-tuwa naman si Coleen habang pinagmamasdan ang kanyang napakacute na anak.

error: Content is protected !!