Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Beach Getaway ni Elisse Joson at McCoy De Leon Kasama ang Napaka Cute nilang Anak na si Baby Felize

Ngayong panahon ng tag-init, napakaraming turista ang dumadayo sa mga sikat na summer destinations ng bansa. Maging ang mga kilalang personalidad ay hindi rin pinalagpas ang pagkakataon na ito upang pansamantalang makapagbakasyon.

Kamakailan nga ay nakitang nagbakasyon din ang real-life couple na sina Elisse Joson at McCoy De Leon sa Boracay. Kasama ng magkasintahan ang pamilya ni McCoy gayundin ang kanilang unica hija na si Felize McKenzie. Ibinahagi ng dalawa ang ilang litrato ng kanilang masayang bakasyon. Sa isang litrato, makikita ang kanilang masayang pamilya kasama ang pamilya ni McCoy. Mapapansin din na sweet na sweet ang dalawa sa isang litrato.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Kapansin-pansin na talagang sinamantala rin ng dalawa ang pagkakataon upang magkaroon ng masayang oras habang kasama nila ang isa’t isa at walang iniisip na trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Ibinahagi rin ng dalawa ang ilan pang adventures na ginawa ng kanilang pamilya. Syempre, hinding-hindi mawawala ang mga napaka-cute na litrato ni Baby Felize McKenzie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Matatandaan na Oktubre noong nakaraang taon nang isiwalat ni Elisse at McCoy sa publiko ang kanilang pagkakaroon ng isang panganay na anak. Matapos nito, bumalik na sa kani-kanilang mga trabaho ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Nagkaroon sila ng ilang pelikula at bumuhos rin naman ang kanilang mga endorsements. Kapansin-pansin din naman na talagang ipinagmamalaki ng dalawa ang kanilang panganay na anak. Napakaraming mga litrato ni Baby Felize McKenzie ang ibinahagi ng magkasintahan sa social media. Sa kabila ng kanilang pagiging abala sa trabaho, sa kabutihang palad ay nagkaroon na nga ang dalawa ng sapat na oras upang makasama ang kanilang pamilya at anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Natuwa rin ang mga netizens sa mga litratong ibinahagi ng dalawa. Ayon nga sa isang netizen, bukod sa magandang view ng Boracay ay talagang natuwa rin sila sa pagiging cute ni Baby Felize McKenzie. Maging ang kanilang mga kaibigan mula sa industriya ng showbiz ay natuwa rin sa naging napakasayang bakasyon ng buong mag-anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Totoong nakakatuwa na pansamantalang naisantabi ni Elisse at McCoy ang kanilang trabaho upang makapagrelax kasama ang kanilang anak. Bagamat mahalaga ang pagsisipag ng dalawa sa kanilang mga trabaho upang magkaroon ng komportableng pamumuhay ang kanilang pamilya, para sa kanila ay talagang napaka-importante rin ng pagkakaroon ng quality time.

error: Content is protected !!