Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Bakasyon Sa Switzerland Ng Magkasintahang Sina Pia Wurtzbach At Jeremy Jauncy

Nakakakilig at kaabang-abang ang kwentong pag-ibig ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at boyfriend nitong si Jeremy Jauncey. Si Pia ay 32 taong gulang, isang modelo, aktres at beauty queen may angking kagandahan at kahusayan sa pagrampa sa entablado.

Matatandaan nq nagbigay ng karangalan ang pagkapanalo ni Pia bilang Miss Universe 2015 sa minamahal na bansang Pilipinas nang maiuwi niya ang korona sa mula sa nasabing bigating beauty pageant. Samantala ang kasintahan nitong si Jeremy Jauncey 37 taong gulang ay isang matagumpay entrepreneur at isang British national.

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Sa kabila ng limang taong agwat ni Pia at Jeremy, hindi maikakaila ang sweetness at kilig overload na hatid ng dalawa mula sa mga travel goals ng magkasintahan. At hindi naman na maikakaila na mas lalo nilang pinatunayan ang pagmamahal sa isa’t isa sa kanilang bawat bakasyon.

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Matapos nga ang pananatili ng sweet couple sa Dubai nang nakaraang buwan, ay muling nagkasama ang dalawa sa Geneva, Switzerland at kasulukuyang nag-eenjoy sa magandang niyebe at malamig na panahon sa lugar.

Sa mga larawang makikita sa Instragram post ng Miss Universe 2015 makikita ang mga ngiti nang pagmamahalan at ito’y may kalakip na caption na:

“Geneva to Lucerneand we were greeted by snow! What a surprise! I don’t remember the last time I saw this much snow. Honestly I wasn’t ready for this weather and it looks like I’m gonna have to borrow these coats from the hotel to stay warm.Thank you my love jeremyjauncey for taking me to another unforgettable place. burgenstockresort is a dream and we’ve been exploring the resort the past couple of days now. It’s full of history (and food) so this is a happy dragon. ”

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Si Jeremy naman ay ipinahayag sa pamamagitan rin ng Instragram post kung gaano sila naging masaya ng kanyang beauty queen girlfriend sa makapigil hiningang tanawin sa Geneva. Sa nasabing Instragram post ni Jeremy ay nilakipan ng caption na:

“burgenstockresort is one of the most beautiful hotels I’ve ever been to As we drove up the mountain it started to snow, the team gave us winter coats and we went out to explore the Swiss countryside on foot. We’re high above Lake Lucerne with a panoramic view that stretches as far as the eye can see, so stay tuned for more of our adventures at this stunning place.”

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Isinapubliko nina Pia at Jeremy ang kanilang relasyon noong Hunyo taong 2020. Sa loob ng halos dalawang taong relasyon ng dalawa at ayon na rin sa mga social media post makikita natin ang walang humpay at walang kondisyong pagmamahalan ng magkasintahan.

Bagama’t makailang uit naring nabigo sa buhay pag-ibig ang Miss Universe 2015, sa pagkakataong ito natitiyak niyang nasa tamang tao na siya, katiyakang pinapanghawakan niya na siya’y tratratuhin ng tama.

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Sa bawat travel goals ng magkasintahan ay dama ang walang sawang kilig at pagmamahal sa bawat isa. Hanggang nagayon ay patuloy parin ang pag-abang ng mga tagahanga ni Pia sa makulay at masayang buhay pag-ibig nito. Wala mang perpektong relasyon, nawa’y ang pag-iibigan ng dalawa ay humantong sa harap ng altar at pagsasamang panghabang buhay.

error: Content is protected !!