Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Bakasyon ni Meme Vice Ganda sa Baguio Kasama ang Kanyang mga Kaibigan at Kasambahay

Matapos ang masayang bakasyon ng Unkabogable star na si Vice Ganda sa Boracay noong buwan ng Enero, kamakailan lamang ay nagbakasyon na naman ang komedyante. At sa pagkakataong ito, ay sa malamig at napakagandang lugar ng Baguio nagtungo si Meme Vice upang magrelax at mag-enjoy.




Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa kanyang bakasyon sa Baguio ay isinama ni Meme Vice ang kanyang mga kaibigan at kasama sa bahay. Kabilang na nga rito, ang kasambahay ni Meme Vice na hindi pa nakakarating sa Baguio.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa vlog ni Meme Vice na ibinahagi noong ika-3 ng Marso na mapapanood sa kanyang Youtube Channel, ay ipinasilip niya ang masayang nilang kulitan sa kanilang pamamasyal sa mga ipinagmamalaking lugar ng tinaguriang Summer Capital of the Philippines.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

At ngayong papalapit na summer nga, ay agad na nanguna si Meme Vice sa Baguio habang kakaunti pa lamang ang turistang bumibisita sa lugar.

Pagdating na pagdating ni Meme Vice sa Baguio ay agad niyang ipinakita ang bahay ng kanyang kaibigan, na kanilang magiging pansamantalang tahanan habang sila’y nasa Baguio ng kanyang mga kaibigan. Ipinakilala rin ni Meme Vice ang mga may-ari ng bahay, na ayon sa kanya ay mga nakakaluwag sa buhay.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Makikita na talagang makapigil-hininga ang ganda ng view sa taas ng kinaroroonang bahay nina Meme Vice. Inilibot rin ni Meme Vice ang mga viewers sa loob ng napakagandang bahay na may kahanga-hanga ring disenyo.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Kinabukasan ay agad na nagtungo sina Meme Vice sa mga tourist spot ng Baguio. At kapag nasa Baguio, ay hindi mawawala na maranasan ang makasakay sa kabayo, na unang ginawa ni Meme Vice kasama ang kanyang mga kaibigan.




Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Matapos namang sumakay sa kabayo, ay nagtungo naman sila sa Burnham Park upang sumakay sa swan boat. Makikita na enjoy na enjoy sa pagpapaandar ng sinasakyang swan boat ang kaibigan ni Meme Vice.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Matapos naman mapagod sa kanilang swan boat adventure ay sama-sama na silang kumain ng masarap na pagkain.




Makikita na talagang sinulit ni Meme Vice ang kanyang masayang bakasyon sa Baguio kasama ang kanyang mga kaibigan na talagang enjoy na enjoy sa pamamasyal.

Muli na namang naghatid ng saya si Meme Vice sa kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang nakakaaliw na vlog.

error: Content is protected !!