Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Bakasyon ni Heart Evangelista sa Sorsogon Kasama ang Kanyang Pamilya at mga Kaibigan

Pansamantalang nilisan ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ang lungsod ng Maynila upang mag-enjoy at magbakasyon sa Sorsogon kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Sa mga hindi magandang nagyayari ngayon sa ating kapaligiran ay talagang ang hangad ng marami ay makapag-relax at makapag-enjoy sa mga magagandang lugar. At kapag magagandang lugar nga ang hanap upang mapanatag ang isip at mawala ang stress, ay matatagpuan ito sa mga probinsya.

At para kay Heart, ay ipinagmamalaki niya ang probinsiya ng Sorsogon kung saan Gobernador ang kanyang asawa na si Chiz Escudero. Hindi lamang angking ganda ng probinsya ang ipinagmamalaki ni Heart, kundi pati narin ang magandang pamamalakad ng kanyang asawa na kitang-kita naman ang malaking pagbabago nito ngayon.

Sa vlog na pinamatagang “Sorgoson Diaries Episode 8” na mapapanood sa YouTube Channel ni Heart nito lamang ika-22 ng Mayo, ay ibinahagi niya ang kaganapan sa kanilang masayang bakasyon, kung saan ipinakita niya ang magagandang lugar pati narin ang masayang bonding ng kanilang pamilya.

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Bungad ni Heart sa kanyang video, ay sinabi nito na nagpasya silang bisitahin ang kanyang ama na si Reynaldo Ongpauco at kapatid niya na si Camille at ang baby nito. Nabanggit rin ni Heart na pansamantala muna silang maninirahan sa Sorsogon dahil mas ligtas umano rito kumpara sa lungsod.

“After staying in Manila for a few weeks, I’ve decided to go back to Sorsogon with everybody – meeting my dad and my sister Camille and her baby. And I think we’re gonna live there for a while. It’s quite safer there and their C0vid cases are kind of low, so we’ve decided to just move there.”

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

At sa kanilang pagdating sa Sorsogon, ay unang pinuntahan nina Heart ang bahay ng kanyang Daddy Rey sa Buhatan. Binisita rin nila ang beach house ng kanyang ama sa Rizal beach at dito ay ipinakita nila ang ipinapagawang bangka ng kanyang ama. Makikita naman sa beach house ang napakagandang tanawin na hatid ng bughaw na dalampasigan.

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Dahil nga isa ring mahusay na pintor si Heart, nang magkaroon ng art contest sa Sorsogon ay kanyang tiningnang mabuti ang pinakamagandang art piece na gagawing disenyo para idisplay sa kapitolyo.

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Ipinakita rin ni Heart ang paggawa ng home made bagoong na negosyo ng kanyang ama, ang Bella, Lolo Rey’s Bagoong. At sadyang napakasarap nito, na ayon kay Heart ay hindi lasang bagoong kundi lasing corned beef dahil sa sobrang sarap. Nang araw ding iyon, ay agad naubos ang nilutong bagoong.

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Samantala, nilibot rin ng mag-asawang Heart at Chiz ang probinsiya at isa sa talagang ipinagmalaki ng aktres na proyekto ng kanyang asawa ay ang Sport Complex na itinuturing na Little Rome sa kanilang probinsiya.

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Hindi naman napigilan ni Heart na purihin at pasalamatan ang kanyang asawa sa ginawa nitong mga proyekto para mapaganda at mapaunlad ang probinsiya.

“The sports complex I’m very, very excited to show that. Because it’s like our Little Rome here in Sorsogon, and it is just so amazing how there are just so many beautiful things happening to Sorsogon, thanks to this guy.”

https://youtu.be/eLtv6ce7nys

error: Content is protected !!