Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Bakasyon ng Magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa El Nido, Palawan Kasama ang Kanilang Pamilya at mga Kaibigan

Ang real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala sa tambalan nila on-screen na KathNiel, ay isa sa kinakikiligang magkasintahan sa industriya ng showbiz. Hindi naman talaga ito maitatanggi dahil bagay na bagay naman talaga sila sa isa’t isa. Bukod sa parehong gwapo at maganda, ay talaga namang iba ang hatid na kilig ng magkasintahan sa kanilang mga tagahanga.




Makikita rin na madalas mag-travel nang magkasama ang magkasintahan sa magagandang lugar, upang magbakasyon. Matapos ngang magbakasyon sa napakagandang isla ng Boracay at doon salubungin ang bagong taon, kamakailan lamang, ay nagbakasyon na naman ang magkasintahan sa malaparaiso sa gandang resort ng El Nido, Palawan kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joe Vargas (@meetjoeblack28)

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Kathryn ang kanyang paghanga sa napakagandang lugar ng El Nido sa kanilang bakasyon. Ang mga larawan at video, ay talagang kahanga-hanga. Ang tanawin nga napakagandang pagmasdan na tila maihahalintulad sa isang paraiso. Ayon nga kay Kath, kahit na hindi ito ang unang beses na bumisita sa lugar, ay ngayon lamang niya nasilayan ang kakaibang ganda ng El Nido.

“A HUGE thank you to this group for letting us see and experience this side of El Nido. It wasn’t my first time here but I’ve never witnessed its real beauty until this trip happened—the locals, their life, food, and the breathtaking islands. WOW. EL NIDO IS SOMETHING ELSE. I hope we continue to protect and preserve its beauty. Filipinos are lucky to call this our own,” pahayag ni Kathryn sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin)

Sa hiwalay namang post ay ibinahagi ni Kath ang kanyang larawan kung saan makikita ang kanyang kaseksihan habang suot ang isang itim na swimsuit. At sa background naman niya ay masisilayan ang napakagandang tanawin ng bughaw na kalangitan, at asul na karagatan. Tila nga, enjoy na enjoy si Kath sa kanilang bakasyon.




Caption naman ni Kath sa kanyang post,“So many things to look forward to! Going home with a happy and grateful heart. Thanks to the amazing group that inspired me in so many ways. Cheers to new friendships and better days ahead!”

Samantala, mas lalo namang naging masaya ang bakasyon ng KathNiel sa El Nido, Palawan dahil kasama rin nila ang kanilang pamilya kabilang na si Mommy Min Bernardo at kanilang kaibigan na sina Joe Vargas at John Valle.

Sa kanilang mga Instagram nga ay makikita ang mga larawan at video sa kanilang bakasyon na talaga namang nag-enjoy silang lahat.

error: Content is protected !!