Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Bakasyon Ng Mag-asawang Oyo Sotto At Kristine Hermosa Sa Amanpulo, Palawan Kasama Ang Kanilang Buong Pamilya

Ramdam na ramdam na nga ngayon ang mainit na panahon, nangangahulugan lamang nga nito na maeenjoy na natin ang summer. At kapag summer nga, ay destinasyon ng marami sa atin ang beach para mag-enjoy at magrelaks kasama ang ating pamilya.

CREDITS: Pauleen Luna| IG

Kaya naman, hindi pinalampas ng TV host at komedyanteng si Vic Sotto ang pagkakataon para makapagbonding ang kanilang pamilya ngayong summer. Kamakailan lamang nga, ay makikita sa social media ang sunod-sunod na post ng pamilya Sotto ng kanilang masayang bonding moments sa isang esklusibong resort ng Amanpulo sa Palawan.

CREDITS: Pauleen Luna| IG

Matapos nga ang halos dalawang taong pananatili sa loob ng ating mga tahanan dahil sa pandemya sa wakas nga, ay may kalayaan na tayong lumabas ng bahay at pumunta sa mga lugar na ating naisin. Katulad na lamang nga ng pamilya ni Bossing kung saan nga ay nakabonding niya ang kanyang buong pamilya kasama ang kanyang asawang si Pauleen Luna, at kanyang mga anak at maging mga apo.

CREDITS: Pauleen Luna| IG

Sa Instagram nga, matapos ang masayang bakasyon, at nang makabalik na sa Maynila ay ibinahagi ni Pauleen ang kanyang labis na kaligayahan at pasasalamat dahil nakasama niya ang isang pamilyang puno ng pagmamahalan sa loob ng apat araw.

“I feel like major sepanx is about to happen so much memories were made on this trip, up until the plane ride going back I thank our Lord for blessing us with this opportunity and most of all for blessing me with this family! What a blessing you all are to me! No echos, plain and simple, all love.”

CREDITS: Kristine Hermosa| IG

Sa hiwalay namang post, ay hindi naitago ni Poleng ang kanyang paghanga sa malaparaiso sa gandang isla ng Amanpulo.

“This place is absolutely beautiful but the presence of our family makes this trip the best ever! Thank you, Lord, for our family my heart is full of gratitude!”

CREDITS: Kristine Hermosa| IG

Makikita nga sa mga larawang ibinahagi sa social media na kompleto ang kanilang pamilya. Naroon nga sa masayang bakasyon ang mga anak ni Vic na sina Oyo Sotto at Danica Sotto. Kasama rin ni Danica ang kanyang asawang si Marc Pingris, habang si Oyo namam ay kasama ang kanyang misis na si Kristine Hermosa. Naroon rin ang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa.

CREDITS: Kristine Hermosa| IG

Nagbahagi rin si Danica ng mga larawan sa kanyang social media, kung saan nga ay masisilayan ang masaya nilang bakasyon sa Amanpulo.

“Creating beautiful memories together that we’ll remember for the rest of our lives,” caption ni Danica.

Sa gandang taglay at kahanga-hangang tanawing masisilayan sa isla ng Amanpulo, ay hindi na nakapagtataka kung ito ang isa sa pinakapaboritong lugar na pinupuntahan ng pamilya ni Bossing. Matatandaan nga na noong nakaraang taon, ay dito rin nila ipinagdiwang ni Poleng ang kanilang 10th wedding anniversary kasama ang kanilang anak na si Tali.

error: Content is protected !!