Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Bakasyon Ng Mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis Kasama si Baby Dahlia Sa Isang Glass Igloo Hotel Sa Finland

Ang mag-asawang Ann Curtis at Erwan Heussaff ay mahilig mag-travel at bisitahin ang magagandang lugar. Hindi naman nila pinapalampas ang pagkakataon na makasama ang kanilang anak na si Dahlia sa bawat bakasyon nila. Sa kanilang pagbisita sa mga magagandang lugar ay sinusulit ng kanilang pamilya ang bawat sandali para magbonding upang makabuo ng masayang alaala.

Photo credits to the owner

Kamakailan lamang nga ay isa na namang masayang bakasyon ang ibinahagi ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff. Ngunit, hindi sa isang beach o kaya naman ay kabundukan ang adventure ngayon ng dalawa kasama si Dahlia, kundi ito’y isang snow adventure. Nakakatuwa naman talagang pagmasdan ang kulay puting snow, at bukod nga dito ay sadyang napakalamig rin.

Photo credits to the owner

Ang pagkakaroon ng snow ay wala sa Pilipinas kundi nasa ibang bansa na may malalamig na klima. At habang nasa bansang Finland nga, ay walang sinayang na sandali ang kanilang pamilya para maenjoy ang masayang snow experience.

Sa mga larawang ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang Instagram ay makikita na sa isang glass igloo sila masayang nagbakasyon. Sa magkahiwalay na post nina Anne at Erwan sa Instagram ay nakasaa na sa Levin Iglut-Golden Crown sila tumuloy. Ito nga ay isang exclusive glass igloo hotel na matatagpuan sa Finnish Lapland sa Finland.

Photo credits to the owner

Sa mga larawan at video nga ay masisilayan ang masayang ngiti ng bawat isa habang nag-eenjoy sa kulay puting snow. Kapan-pansin nga ang tuwa ng anak nina Erwan at Anne na si Dahlia dahil ito ang unang beses na nakaranas ng snow sa ibang bansa. Sa isang larawan nga ay makikitang enjoy na enjoy sa paglalakad si Dahlia sa snow habang hawak ng kanyang Mommy Anne ang kanyang kamay. Ang nasabing larawan nga ay nilakipan pa ng aktres ng caption na “Like walking on clouds”.

Photo credits to the owner

Sa hiwalay namang post ni Anne kung saan ibinahagi niya ang isang video ni Dahlia habang sakay ng isang pink snow sled, ay napakacute pagmasdan ng tuwang-tuwang bata habang dahan-dahan na hinihila ng kanyang ina. Maririnig nga ang cute na tinig ni Dahlia na binanggit ang salitang “ready” habang nakangiti bago siya hilahin ng kanyang Mommy Anne.

Photo credits to the owner

Napakasaya nga ng kanilang naging bakasyon sa Finland. Isa na naman nga itong bagong memories na kanilang babaunin sa kanilang buhay. Marami namang netizens ang natuwa matapos masilayan ang masayang bonding moments ng mag-asawang Anne at Erwan kasama si Dahlia sa Finland. Ang kanilang pamilya naman talaga ay larawan ng isang masayang pamilya. At dahil napakahalaga ng bawat oras ay wala silang sinasayang na sandali para mag-enjoy at bumuo ng masayang alaala nang magkasama.

error: Content is protected !!