Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Bakasyon ng Bagong Kasal na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada sa Napakagandang Resort sa Amanpulo Kasama ang Kanilang Pamilya

Kamakailan lamang nang masayang ibalita ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang kanilang pag-iisang dibdib ng kanyang fiancee na si Mikee Morada. Matapos nga ang ilang taong relasyon bilang magkasintahan, ay lumagay na sa tahimik ang dalawa upang bumuo ng sariling pamilya.




Marami nga sa kanilang mga tagahanga ang natuwa, at labis ang pasasalamat dahil sa wakas ay nagpakasal na rin ang kanilang iniidolo. At siyempre, matapos ang nakakaantig na wedding vows sa seremonya ng kasal, isa rin sa talagang inaabangan ay ang honeymoon ng newly wed.

At ang bagong kasal na sina Alex at Mikee, ay lumipad patungo sa napakagandang resort ng Amanpulo sa Palawan upang doon maghoneymoon, at magbakasyon kasama ang kanilang pamilya.

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Sa lates vlog ni Alex, ay ipinasilip niya ang masaya nilang bakasyon sa napakagandang isla ng Amanpulo. Hindi lamang nga, silang dalawa ni Mikee ang nag-enjoy kundi pati na rin ang kanilang pamilya.

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Kasama ng bagong kasal sa kanilang masayang bakasyon ang magulang ni Alex na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Kasama rin ang kanyang Ate na si Toni, at asawa nitong si Paul at anak nilang si Baby Seve.

Mas lalo naman talagang magiging masaya, at maeenjoy ang kanilang bakasyon dahil kompleto ang kanilang pamilya. Sa napakagandang tanawin, ay talagang maeenjoy at makakapag-relax sila sa kanilang bakasyon.

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Sinulit nga ng kanilang pamilya ang sandaling sila’y magkakasama. Ang mag-inang Toni at Seve, ay enjoy na enjoy sa pagswiswimming. Samantalang sina Alex at Mikee, ay namasyal gamit ang e-bike. Masayang-masayang naman si Alex, na may kasamang takot habang minamaneho ang e-bike na baka sila’y mabangga. Ang mag-asawang Mommy Pinty at Daddy Bonoy naman ay enjoy sa kanilang pagrerelax sa isang villa.

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG




Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Samantala, maliban naman sa masaganang dinner ng kanilang pamilya, ay nagkaroon rin ng masayang bonding ang bawat isa. Nagtungo rin ang kanilang pamilya sa isang spa kung saan masisilayan ang napakagandang tanawin na talagang nakakarelax sa pakiramdam.

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

Talaga nga namang napakasaya ng naging bakasyon ng kanilang pamilya. Kaya naman, matapos mapanood ng mga netizens ang video, ay bumuhos ang papuri at paghanga sa kanilang pamilya.

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

“Mommy Pinty and Daddy Bonoy knows when to let go of their children. If only Mommy Divine is like them, Sarah would have been as free and as happy as Toni and Alex.”

Photo credits: Alex Gonzaga-Morada | IG

“Yan ang maganda honeymoon with family, mikee doesn’t care. Si seve for sure family oriented kaya yung nagsasabi na makulit, tumigil ka diyan.”

“This is a living proof how blessed a person can be by putting God as the center of their Family 😇”

error: Content is protected !!