Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Adventure ng Mag-asawang Mikael Daez at Megan Young Sa Malaparaisong Lugar ng El Nido, Palawan

Kilala ang mag-asawang sina Mikael Daez at Megan Young sa mundo ng showbiz bilang isa sa mga hinahangaan at talaga namang kinakikiligang celebrity couple. Nag-uumapaw sa saya at kasweetan ang kanilang pagsasama, at isa sa dahilan ng kanilang matatag at masayang relasyon, ay ang kanilang travel goals.

Credits: Mikael Daez | Youtube

Kaya naman, ngayong summer ay walang pinalampas na sandali ang celebrity couple upang puntahan ang naggagandahang lugar. Sa kanilang social media accounts nga, ay makikita na kabila’t kanan ang kanilang travel at bakasyon upang mag-enjoy at magrelaks.

Makikita nga sa vlog na ibinahagi ni Mikael sa kanyang Youtube Channel noong ika-6 ng Abril ang masayang adventure nila ng kanyang asawang si Megan. At ito nga ay sa mala-paraisong lugar ng El Nido, Palawan kung saan ay talagang nabighani sila sa angking ganda ng tanawing masisilayan rito.

Credits: Mikael Daez | Youtube

Ipinakita nga ni Mikael ang kanilang masayang bonding, kung saan makikita na talagang nag-enjoy silang mag-asawa. Una nga nilang ginawa ay nag-island hopping tour sakay ng kayak kung saan magkatulong ang mag-asawa sa pagsagwan.

Namangha naman ang mag-asawang Mikael at Megan sa tanawin taglay ng Big Lagoon, kung saan makikita na napakalinaw ng tubig. At kitang kita naman ang ganda sa paligid na napapalibutan ng limestone. Sinubukan rin ng mag-asawa na libutin ang lagoon at suyurin ang bawat daanan sa pagitan ng lagoon sakay ng kayak. At ayon nga kay Mikael ay best experience.

Credits: Mikael Daez | Youtube

Sa isang maliit na lagoon naman ay kailangan muna nilang lumubog para makapasok. At sa loob nga nito, ay isang nakakabighani sa gandang tanawin kung saan nag-enjoy ang mag-asawa sa kanilang bonding habang nagsi-swimming.

Sumunod naman ay ang pag-akyat sa tutok ng isa sa mga bundok kung saan naghihintay naman sa kanila ang napakagandang tanawin. Ngunit, hindi naman madali ang daan paakyat kaya naman sa pagkakataong ito ay tanging si Mikael lamang ang nakasaksi ng kahanga-hangang tanawin. Isang tanawin na tila malaking pugad ng ibon, at sa ibaba nga nito ay masisilayan ang karagatan.

Credits: Mikael Daez | Youtube

Sa huli ay nag-enjoy naman ang mag-asawang Mikael at Megan nang magtungo sila sa bayan upang lasapin naman ang masasarap na pagkaing ipinagmamalaki ng lugar.

Masayang-masaya at talagang nag-enjoy ang mag-asawa sa kanilang travel moments. At tila nga, masusundan pa ito ng isa pang bakasyon lalo na’t hilig nga nila ang magtravel ng magkasama.

error: Content is protected !!