Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masaya at Romantikong Bakasyon ng Magkasintahang Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncy sa Morocco

Matapos mawalay sa isa’t isa nang mahabang panahon, ay muli na ngang nagkasama ang magkasintahang sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncy. At ngayon nga na sila’y magkasama na, ay talagang sinusulit nila ang bawat sandali.

Matapos nga, ang kanilang masayang bakasyon sa Maldives upang doon salubungin ang bagong taon nang magkasama, ay muli na namang naghatid ng kilig ang magkasintahan sa kanilang romantikong bakasyon sa Morocco.




Muli na naman ngang inulan ng sweet photos ang Instagram account ng magkasintahang Pia at Jeremy, matapos ipasilip ang kaganapan sa kanilang bakasyon sa Morocco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

Sa Instagram ng Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, ibinahagi niya ang mga larawan at video, kung saan masisilayan ang magagandang tanawin na matatagpuan sa Morocco. At siyempre, hindi rin mawawala ang sweet photos nila ng kanyang kasintahan, habang masisilayan sa background ang angking ganda ng Morocco.

Samantala, sa Instagram naman ni Jeremy, ay ibinahagi niya nasa twenties siya noong unang bumisita siya ng Morocco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

“I first came to Morocco in my early twenties when a friend moved to the beautiful little surfing town of Taghzout to set up a surf school & explore the Moroccan way of life.”

Magmula nga noon, ay natutunan na umano niyang mahalin ang nasabing bansa. Natutunan rin umano niya ang kultura nito, at nagkaroon ng maraming kaibigan.

“It started a love for the country & its people that has grown stronger over the years as I’ve learnt more about its culture and built more friends in the Moroccan tourism industry.”




Ayon pa nga rito, ay napakaespeyal na lugar ng Marrakech sa kanya. Sa katunayan nga nito, ay itinuturing na niya itong munting tahanan.

“Marrakech has always been a special place for me and at the end of 2020 an opportunity arose to make Morocco my base for a little while instead of returning home to New York.”

“So for the next little while Marrakech is home.”

Muli na naman ngang nag-enjoy si Pia at Jeremy sa kanilang masayang mabakasyon habang sila’y magkasama. At ang bawat sandali nga, ay talagang puno ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

Matatandaan na inanunsyo ni Pia at Jeremy ang kanilang relasyon noong nakaraang taon matapos maitampok sa cover ng Tatler Philippines. At noong nakaraang Disyembre, ay ipinagdiwang naman ng magkasintahan ang kanilang 1st anniversary.

error: Content is protected !!