Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masaya at Puno ng Kilig na Bakasyon sa California ng Celebrity Couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque

Tuluyan nang inilantad sa publiko ng aktres na si Bea Alonzo ang tunay na estado ng relasyon nila ng aktor na si Dominic Roque. At nito lamang ika-14 ng Agosto, sa inilabas na vlog ni Bea sa kanyang YouTube Channel kung saan tampok ang kanilang masayang bakasyon sa California, ay masisilayan nga ang kanilang nag-uumapaw na ka-sweetan.

Ipinasilip ni Bea sa kanyang vlog ang kanilang masayang paglalakbay mula sa kanilang pagsakay ng eroplano, hanggang sa marating nila ang kanilang destinasyon. Sa kanyang vlog na naglalaman ng apat na araw, ay ipinasilip rin ni Bea ang kanilang masaya at nakakakilig na bonding habang sila’y namamasayal sa iba’t ibang bahagi ng California.

Photo credits: Bea Alonzo | Instagram

Photo credits: Bea Alonzo | Instagram

Kahit nga nasa ibang bansa na ay hindi nakalimutan nina Bea at Dominic ang mag-work out na ipinasilip nila sa unang araw ng kanilang pananatili sa California. Nasundan naman ang kanilang work out sa mga sumunod na araw ng kanilang California Road trip, na tila naging isang California food crawl sa dami ng masasarap na resto at bar na kanilang pinuntahan.

Photo credits: Bea Alonzo | Instagram

Photo credits: Bea Alonzo | Instagram

Sa kanilang paglilibot nga sa iba’t ibang lugar, ay sinubukan nila ang masasarap na dishes na hatid ng mga kilalang restaurant tulad na lamang ng Guerilla Tacos, Kickin’ Crab at ang Anago na isang salt water eel. Makikita naman ang pagiging caring at sweet ni Dominic sa kanyang girlfriend na si Bea na madalas subuan sa tuwing sila’y kumakain.

Photo credits: Bea Alonzo | Instagram

Maliban naman sa kanilang enjoy na enjoy na pagkain ng masasarap na dishes, ay hindi rin pinalampas ng magkasintahan ang mabisita ang mgagandang lugar sa California tulad na lamang ng The Griffith Observatory, na siyang naging lokasyon ng American musical romantic comedy drama-fim na ” La La Land”. Binisita rin ng nagkasintahan ang Big Sur, Monterey at mga stores sa California. Ipinasilip rin ni Bea ang pagbili niya ng mug bilang pasalubong sa kanyan ina dahil mayroon umano itong koleksyon ng mga mugs.

Photo credits: Bea Alonzo | Instagram

Photo credits: Bea Alonzo | Instagram

Makikita rin naman kay Bea na sadyang napakaganda niya sa kanyang mga OOTD, at masisilayan na fresh na fresh at blooming ang aktres sa piling ng kanyang boyfriend na si Dominic. Hindi naman maikakaila na talagang masayang-masaya ang magkasintahan sa kanilang California road trip. At kapansin-pansin rin na talagang bagay na bagay sina Bea at Dominic sa isa’t isa, at talagang kakaibang kilig ang hatid sa kanilang mga tagahanga.

Photo credits: Bea Alonzo | Instagram

Samantala, hindi nga nakaligtas sa mata ng mga fans nina Bea at Dominic ang kanilang nag-uumapaw na kasweetan sa kanilang naging bakasyon sa California, at ito nga ay umani ng positibo at nakakakilig na mga komento.

error: Content is protected !!