Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masaya at Naggagandahang Family Portrait ng mga Sikat na Artista sa Pagdiriwang nila ng kanilang Pasko Ngayong Taon

Isa nga sa mahalagang diwa ng pasko ay ang pagmamahalan. Kaya naman, sa tuwing sasapit ang kapaskuhan ay hindi mawawala ang pagsasama-sama ng pamilyang Pilipino upang sabay-sabay na ipagdiwang ang espesyal na araw na ito.

Maging ang mga sikat na celebrities sa showbiz, ay gumagawa ng paraan upang makasama ang mga mahal sa buhay. Mahalaga na magkasamang kumain ang bawat pamilya pagsapit ng Noche Buena sa hapag at sabay ring magpasalamat sa mga biyayang natanggap sa buong taon.




Hindi rin siyempre mawawala ang family pictorial ng bawat pamilya kung saan ay talagang masisilayan ang isang pamilyang nagmamahalan.

Ating silipin ang mga family portrait ng mga sikat sa pagdiriwang ng pasko ngayong taon.

Team Arellano

Photo credits: Drewarellano | Instagram

Napakasarap pagmasdan ang mga ngiti sa labi ng pamilya Arellano na binubuo ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano kasama ang kanilang mga anak na sina Leon, Primo, at bunsong anak na si Baby Alana Arellano.

Team Dantes

Photo credits: Dingdong Dantes| Instagram

Kilig naman ang hatid ng pamilya Dantes na kinabibilangan ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy sa kanilang mga tagahanga sa kanilang Christmas family photoshoot.




Vico Sotto at Vic Sotto kasama si Baby Tali

Photo credits: Vico Sotto| Instagram

Hindi naman pinalampas ng Mayor ng Pasig na si Vico Sotto na mabisita ang amang si Vic Sotto sa araw ng Pasko matapos ang ilang buwang hindi pagkikita.

Pauleen Luna at Vic Sotto

Photo credits: Pauleen Luna| Instagram

Isang masayang pamilya naman ang masisilayan sa pamilya nina Pauleen Luna at Vic Sotto kasama ang kanilang napakacute na anak na si Baby Tali.

Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos

Photo credits: Judy Ann Santos| Instagram

Kompleto rin ang pamilya Agoncillo sa pagdiriwang ng pasko ngayong taon. Masaya ngang ipinagdiwang ang Pasko ng kanilang pamilya na binubuo ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, at mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.

Rodjun at Rayver Cruz 

Photo credits: Rodjun Cruz| Instagram

Paskong pasko nga sa tahanan ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz. Sa kanilang family photo ay kasama ng magkapatid ang kanilang pamilya. Kasama ni Rodjun ang kanyang mag-inang si Dianne at Baby Rodolfo Joaquin.

Heart Evangelista

Photo credits: Heart Evangelista| Instagram

Masaya namang ipinagdiwang ni Heart ang pasko kasama ang asawang si Chiz Escudero kasama ang mga anak nitong sina Chesi at Quino.

Ruffa Gutierrez

Photo credits: Ruffa Guttierrez| Instagram




Ang mga dalagang anak naman ni Ruffa na sina Lorin at Venice ang kanyang nakasama sa pagdiriwang ng Pasko.

Sharon Cuneta

Photo credits: Sharon Cuneta| Instagram

Kompleto at masayang-masaya naman ang pamilya ng Megastar sa pagdiriwang ng pasko ngayong taon. Sama-sama nga ang buong pamilya kabilang ang kanyang asawang si Francis Pangilinan, at mga anak na sina KC Concepcion, Frankie, Miel, at Miguel Pangilinan.

Team Pacquiao

Photo credits: Jinkee Pacquiao| Instagram

Sa tuwing sasapit ang araw ng Pasko ay hindi mawawala ang pagsasama-sama ng pamilya Pacquiao upang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito.

Napakasarap naman talagang ipagdiwang ang araw ng Pasko kasama ang pamilya, dahil talagang damang-dama ang totoong diwa ng pasko, ang pagbibigayan at pagmamahalan.

error: Content is protected !!