Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masaya at Makulay na Love Life ng Aktor na si Joseph Marco sa Piling ng Kanyang Napakagandang Russian Girlfriend na Isang Modelo

Si Joseph Marco ay isang sikat na aktor sa industriya ng showbiz na kung saan ay ilang ulit nang ipinamalas ang kanyang husay sa pag-arte. Isa rin siyang kilalang modelo at singer. Sumikat naman si Joseph ng maging bahagi siya ng teleseryeng “La Vendetta” na nasubaybayan ng marami noon sa GMA.

Photo credits: Joseph Marco | IG

Hindi naman maitatanggi na taglay ni Joseph ang katangian ng isang magandang lalaki na hinahanap ng maraming babae. Dahilan nga upang magkaroon siya ng maraming babaeng nakarelasyon.

Photo credits: Joseph Marco | IG

Photo credits: Joseph Marco | IG

Matapos lamang nga ang ilang buwan nang magwakas ang relasyon nila ng dati niyang kasintahan na Filipino-Italian beauty queen na si Celeste Cortesi, nang ipakilala niya ang bagong babaeng nagbibigay kaligayahan sa kanyang buhay.

Photo credits: Joseph Marco | IG

Noong nakaraang taong 2020 buwan ng Agosto ng ibunyag ni Joseph Marco na muli siyang umibig, at isang napakagandang Russian model na nagngangalang Darja Romanova ang kanyang karelasyon ngayon kung saan inilarawan niya bilang “the one I’ve waited for.”

Photo credits: Joseph Marco | IG

Photo credits: Joseph Marco | IG

Tila si Darja na nga ang babaeng hinihintay ni Joseph sa kanyang malungkot na mundo upang sumaya at magkaroon ng buhay. Patunay lamang na mahal na mahal nila ang isa’t isa sa nag-uumapaw na kasweetan na masisilayan sa kanilang Instagram accounts.

Photo credits: Joseph Marco | IG

Nang ibunyag pa lang sa publiko ni Joseph ang estado ng kanilang relasyon ay agad na ipinakita ng aktor kung gaano niya kamahal ang nobya sa pamamagitan ng isang napaka-sweet na mensahe na ipinaabot sa Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)

Masisilayan rin ang kanilang kasweetan sa set ng polaroid portraits kung saan ibinahagi ng magkasintahan ang matamis na halik na kanilang pinagsaluhan.

Photo credits: Joseph Marco | IG

Tunay nga na may magandang dulot kay Joseph ang quarantine, dahil natagpuan ang babaeng mahal na mahal niya. Makikita naman sa matamis na ngiti ni Darja na ibang kaligayahan kapag nasa bisig siya ni Joseph. Kahit naman nasa gitna ng quarantine, ay ginagawa ng lahat ni Joseph upang mapasaya si Darja sa pamamagitan ng pagdedate nila sa labas paminsan-minsan.

Photo credits: Joseph Marco | IG

Buong puso namang tinanggap ng pamilya ni Joseph si Darja, upang maramdaman nito na may pamilya siya sa Pilipinas. Dahil dito, ay masaya at nagpapasalamat si Darja sa itinuturing na niyang second family.

Maliban sa madalas nilang pagdedate, ay nagsisilbing bonding moments rin nila ang pagbabakasyon sa magagandang lugar. Katulad na lamang nang magbakasyon sila sa Zambales para mag-relax at mag-enjoy.

Photo credits: Joseph Marco | IG

Sa pagdiriwang naman ng 32nd birthday ni Joseph noong October 4, ay nagkaroon sila ng cozy date kung saan inihayag ng aktor na wala na siyang mahihiling pa kundi ang makasama ito habangbuhay.

“I have no wish other than to have you for the rest of my life.”

Photo credits: Joseph Marco | IG

Tila ayaw nang humiwalay ni Joseph sa kanyang napakagandang kasintahan, dahil noong bumalik sa trabaho ang aktor noong November 1, 2020 ay nakaranas siya ng separation anxiety.

“Trying to put a smile on, but in reality separation anxiety is starting to build up… spending as much quality time as possible with my loved ones…. gonna miss you.”

error: Content is protected !!