Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Malawak Na Farm Sa La Union Ng Aktres Na Si Ysabel Ortega Kung Saan Siya Nagpapaani Ng Kamote, Mais at Luya

Isa ngang napakagandang investment ang pagkakaroon ng malawak na lupain. Isang lupain kung saan makakapagtanim ng iba’t ibang klase ng produkto na malaki ang maitutulong sa pang-araw-araw nating pangangailangan.

Kaya naman, ang ilang mga kilalang artista sa industriya ng showbiz ay talagang naglalaan ng kanilang kita para makapagpundar ng lupain. Katulad na lamang nga ng aktres na si Ysabel Ortega na nag-eenjoy sa masayang buhay probinsya sa kanilang malawak na farm.

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

Ngayong panahon nga ng pandemya ay naging libangan ng 22 anyos na aktres ang pagiging hands-on sa kanilang malawak na farm sa La Union. At sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel, ay masayang ipinasilip ng dalaga ang ganda at lawak ng kanilang farm. Matatandaa sa naunang vlog na minsan nang ibinahagi ng dalaga ang kanilang malawak na lemon plantation sa publiko pati na rin ang kanilang sariling poultry farm.

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

At kamakailan lamang nga sa kanyang vlog na pinamagatang “A Day In My Life at the Farm” ay ipinasyal ni Ysabel ang kanyang mga tagahanga sa kanilang farm. Makikitang ipinakita ni Ysabel ang iba’t ibang klase ng pananim ng prutas at gulay. Sa nasabing vlog ay ipinakita rin ni Ysabel ang tamang paghaharvest ng mga gulay.

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

Sa laki at lawak naman ng kanilang farm ay marami ngang produkto ang kanilang napapakinabangan dito. Magmula sa malawak na lemon plantation at poultry farm, ay makikita naman sa kabilang bahagi ang kanilang lupain ang mga nakatanim na mais, kamote, luya at mangga. Ibinahagi naman ni Ysabel na maliban sa mga ito ay may iba’t ibang klase ring prutas na makikita sa kanilang farm gaya na lamang ng santol, chico, rambutan, saging at marami pang iba.

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

Pagbabahagi pa ng aktres, sa bawat punong makikita sa kanilang farm ay tinitiyak nilang may nakapagitan na tanim na luya, at ito nga ay para walang masayang na lupa. Maganda nga itong paraan dahil bukod sa mga punong namumunga, ay napapakinabangan rin nila ang iba pang bahagi ng lupa para pagtaniman ng iba pang produkto.

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

“Ang buong slope ng bundok namin, punong-puno ng luya and we really make sure na in between trees we have right now, puro may luya kasi sayang din naman yung land na nakapalibot sa puno.”

Sa pagkakaroon nga ng isang malawak at lupain na may matabang lupa, ay tunay nga na makakapagbigay rin ng maganda at nag-uumapaw na produkto para sa ating pamilya. At tulad nga ng pamilya ni Ysabel na pinagtuunan ng pansin ang kanilang malawak na lupain para mapakinabangan at magkaroon ng magandang produksyon ay isang napakalaking biyaya para sa kanilang pamilya. Maliban naman sa iba’t ibang klase ng produkto, ay naeenjoy rin nila ang masayang buhay sa probinsya dahil sa malinis at sariwang hanging hatid ng kalikasan. Idagdag na rin dito ang magagandang tanawin na kanilang nasisilayan ay talaga namang nakakarelaks.

 

error: Content is protected !!